Chapter 31.5

14.8K 247 36
                                    

MHISSY: Sorry po talaga sa super delayed na update. TT^TT Nakakaiyak palang maging college student. Waterproof na, Immortal pa. Saan ka pa? 

Anyways, ic-clear ko lang po sana na ang istoryang ito ay isang FANFICTION lamang. Meaning hindi siya Book 2 or sequel ng PVP na gawa ni Hannalove. Like I said, FANFICTION lang ito. Thank you.

 

-Hana's POV-

"Ugh." Bulong ko sa sarili ko habang siniksik ko ang sarili ko sa may upuan. Nakatingin naman sa harapan si Shin at busy sa pagd-drive. 

"Why? Something wrong?" I heard him ask worriedly. Napatingin naman ako sa kanya and shook my head. 

"No, it's just that I have a bad feeling." Sabi ko. 

He glanced at me and smiled. Nilapat niya ang kanang kamay niya sa kamay ko at hinawakan iyon.

"Don't worry, that won't happen." Sabi niya. Napangiti naman ako dun and na-relieve kahit papaano. 

"Okay." Sabi ko. Sumandal nalang ulit ako sa upuan at tumingin sa may bintana.

Haaaay babalik na naman kami sa siyudad. Infairness, mamimiss ko ang tahimik na buhay doon ah kahit ilang araw palang kami dun. 

After 10 minutes na byahe, tumigil muna kami sandali sa isang maliit na store. Nakakita na naman kasi ako ng pagkain, ayan tuloy. Bwahahaha.

"Pabili nga po ng dalawang skyflakes, 10 pesos na mentos at 10 pesos na lollipop." Sabi ko dun sa Ale. Mukhang may edad na ito at may sakit pa. Nakaramdam tuloy ako ng awa pero napatigil ako sa pag-iisip nung nagsalita si Lola. 

"Ito ineng 'o." Sabi niya. Inabutan ko naman siya ng 100 pesos. 

"Sa inyo nalang ho yung sukli. Salamat po dito Lola." Nginitian ko si Lola at nginitian niya din ako. May sasabihin pa sana ako nung narinig ko si Shin. 

"Come on, baka maabutan pa tayo ng traffic sa daan." Sabi niya. I nodded at him and humarap kay Lola.

"Sige po Lola, uuna na ako." Sabi ko.

Nakatingin sa akin si Lola. "Kasintahan mo?"

>//////< Napaiiling naman ako. Sabi ko na nga ba baby face pa rin ako hanggang ngayon. HAhaha! Hangin!

"Hindi po!"

"Eh ano mo?"

"Um.... asawa ko po." Hindi ko naman maiwasang mamula. Nakatingin pa sa akin ng seryoso si Lola kaya parang nakaramdam ako ng kaba. 

"Ineng mag-iingat ka." Seryoso niyang sabi. Napakurap ako ng ilang sandali at napaisip.

"Po?" 

"May nakukutuban akong may masamang mangyayari iha. Kaya mag-ingat kayo ng asawa mo palagi ha?" Sabi ni Lola. Tatanungin ko pa sana siya kung anong gusto niyang ipahiwatig pero tumalikod na siya at pumasok ulit sa loob. Muli namang sumigaw si Shin.

"Come on Hana, let's go." Sabi niya. Kahit na gustong gusto ko tanungin kay Lola kung anong ibigsabihin niya, pumasok nalang ako sa loob ng kotse at umalis. 

Paulit ulit na nag-replay sa utak ko yung sinabi ni Lola. 

"May nakukutuban akong may masamang mangyayari iha. Kaya mag-ingat kayo ng asawa mo palagi ha?"

Masamang mangyayari? Sa amin ni Shin? 

Naalala ko yung nararamdaman ko simula kanina pang umaga. Ewan ko ba pero parang lalo yata akong kinabahan. 

May mangyayari ba talagang masama? 

***

AUTHOR'S NOTE: 

Ayan hahahaha medyo sabaw ano? Hahahha pasensiya na sorry times 1000! xD Hahaha don't forget to leave your comments! Thank you sa pagbabasa at pagt-tiyaga hahahaha.

Lumelevel up daw ako. May fanpage na ko hahahhahaahha! 

it-type ninyo lang https://www.facebook.com/mhissyanimestories

Updated na rin ang (JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer. Just click the external link. 

Also, pakibasa na rin yung The Wrong Boyfriend ko na malapit na mag1K! Hahaha! Thank you po talaga sa pagt-tiyaga ninyo sa corny kong stories. Mwah! Hahaha Love ya' all. 

|COMPLETED|Public Vs. Private: Hana and Shin's Married Life (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon