-Hana's POV-
"Mommy is cheating."
"Mommy is not loyal to Daddy."
"Mommy don't love Daddy."
"Mommy don't love us either."
~______~ Puro salitang pagrereklamo lang naman ang kanina ko pa bukambibig ng kambal habang buhat buhat sila ni Shin.
Nauna nang umalis si Akito kanina pero may pahabol pa siyang binulong sa akin kanina na:
"Goodluck, mukhang mahihirapan ka ngayong araw sa asawa mo."
Tapos umalis siya agad-agad.
Well, mukhang tama nga si Akito.
Nakasunod kasi ako ngayon sa likod ni Shin. Halos 8 meters nga yata ang layo ko sa kanya dahil sa nakakatakot na aura na nilalabas niya ngayon. >_______< Feeling ko nga kapag lumapit pa ako sa kanya ay kainin na niya ako ng buhay.
Susmaryosep, makakarating pa ba ako sa bahay ng buhay? Ghad.
Nakarating naman na kami agad sa parking lot. Ipinasok nama ni Shin yung kambal sa loob ng kotse kaya sumunod naman ako sa pagpasok sa loob nung pigilan ako ni Shin.
"No, you're not." Seryoso niyang sabi habang nakakunot ang noo sa'kin at hawak-hawak ang braso ko.
"Ha?"
"You're riding with me."
"Ha?" Bago ko pa ma-gets yung sinasabi niya, hinatak na niya ako palabas ng kotse. Napatingin naman ako sa kambal na nagb-bye sa akin saka nalipat ang tingin ko kay Shin.
Ipinasok niya ako sa kotse na dala-dala niya tuwing pupunta siya sa ospital.
Ayan kasi Hana, dapat talaga hindi mo binigay yung phone mo sa kambal! Ayan tuloy, nasumbong ka! Tsk tsk tsk.
Oo, ang kambal lang naman ang tumawag kay Shin galing sa ospital. =____=
Na-misunderstood yata kami ng kambal at sinabing nanlalalake ako. Sabagay, hindi nga naman maganda ang past nilang dalawa ni Akito.
"S-Shin.... um..." Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin kay Shin dahil una, nakakatakot ang aura niya, pangalawa, hindi ko alam kung paano ako mage-explain.
TT___TT Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Shin kapag nam-misunderstood ko siya tuwing nakikita ko silang dalawa ni Shaleen.
"WAH! >__<" Nagulat naman ako nung biglang nag-preno yung kotse. Buti nalang talaga at naka-seatbelt ako kung hindi, siguro nasubsob na ang mukha ko sa may windshield.
"Damn it!" Narinig kong sabi ni Shin. Napatingin naman ako sa kanya habang binubugbog niya yung steering wheel. Nakita ko pa ngang inuntog niya yung ulo niya doon eh.
"Teka lang! Huy, kalma!" Pag-aawat ko sa kanya habang patuloy lang siya sa paghampas doon sa steering wheel. Kawawang steering wheel. :(
"Shin, tama na. Let me explain, okay? Pl--Eh?" Ewan ko ba pero parang may kung anong kumirot sa puso ko nung pagharap ni Shin sa akin. Hindi ko alam pero nung makita ko ang mga mata niya, nasaktan ako. Kasi nababasa ko sa mga mata niya palang na nasaktan siya.
Nasaktan ko si Shin. </3
"I...I.... N-Nagkita lang kami ni Akito sa mall. Aksidente lang naman eh. H-hindi naman---" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko, hinatak naman ako ni Shin papalapit sa kanya saka ako niyakap.
"I'm sorry, I'm sorry." Halos maiyak naman ako habang paulit ulit kong sinasabi iyan. Hindi kasi ako sanay na makita si Shin nang ganito. Kung nahihirapan siya, nahihirapan pati ako. Nasasaktan din ako.
**
Tumingin ako sa paligid. >______>
"So..... where are we?" Tanong ko. Bakit parang ambilis naman namin makalayo sa mall? To the point na hindi ko na alam kung nasaan kami?
May nakikita akong dagat na malapit at sobrang presko ng hangin dito. Para bang nasa probinsya kami.
"We're going to one of our family's villas here." Sabi niya habang nagd-drive.
May villa sila dito? O'? Ang yaman talaga!
Maya-maya naman ay tumigil kami sa isang two-storey house. Simple lang yung itsura nito pero napakaganda. Pero mas namangha ako sa nakita ko.
"Waaaaaah~! Ang dagat!!" Para akong bumalik sa pagkabata at excited na lumabas sa kotse. Tumakbo agad ako papunta sa dalampasigan at hinubad ang suot kong sandals. Binabad ko agad yung paa ko doon sa malamig na tubig ng dagat.
Waaah~ Ang sarap talaga sa pakiramdam!
Nakita ko naman si Shin na may dala-dalang mga maleta. Speaking of maleta....
KAILAN NIYA NAHANDA IYAN?! O__O
Sinuot ko ulit yung sapatos ko at sinundan siya sa loob ng bahay.
Waaah~ Kahit yung interior ng loob ng bahay ,ang ganda! Super ganda to the point na mas pipiliin kong mag-stay nalang ako dito. ^____^
"Nagustuhan mo?" Tanong sa akin ni Shin. Nasa likod ko siya habang nakaupo ako sa sofa.
"Yup! ^___^" Energetic kong sabi. Nilingon ko naman siya at nakita kong nakangiti siya sa akin.
Umakyat muna sandali si Shin sa may taas nung may natanggap akong text mula sa phone ko. Buti nalang at nakuha ko ito ulit mula sa kambal.
"Huh?" Nag-text si Sulli sa'kin. In-open ko naman yung message at halos lumuwa naman ang mata ko.
Feeling ko tuloy sobrang pula ng pisngi ko at napakalakas ng kabog ng puso ko.
From: Sulli
Goodluck sis~! Sana magkaroon na ulit ako ng isa pang pamangkin! Ingat kayo ni Oppa diyan, mwuah~
**
AUTHOR'S NOTE:
Okay, hahaha, hindi ko talaga alam ang nangyayari sa'kin. XD So anong say ninyo? ^__^v
Kindly comment, vote at kung okay lang sa inyo, i-fan ninyo na rin ako! ^__^v
Pabasa din pala ng story ko na I Love you My Arrogant Cosplayer(paki-click yung external link). Isa siyang Jadine Fanfic. XD Hahaha~
Thank you! ^___^