-Sulli's POV-
SHEEEET. Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa?!?!
"Mam Chul, sorry po talaga. Mukhang traffic po talaga eh dahil may nagkabanggaan daw po kanina eh hindi pa naalis yung sasakyan." Sabi sa akin nung driver ko na lumabas sandali para tingnan kung anong nangyari at nagkanda buhol buhol ang mga sasakyan sa daan.
Napakamot naman ako sa ulo ko at hindi talaga alam ang gagawin kung paano ako makakarating sa ospital namin ng mabilis. Shet talaga, ang galing tumiming ng nagkabanggaan eh. SOBRA.
"Uh, sige po Kuya." Lumabas agad ako ng sasakyan at tumakbo doon sa nakita kong isang naka-motorsiklo.
"Excuse me po Ate?" Dun sa ateng nakamotorsiklo. Inalis niya yung helmet niya. Halos ka-edad ko lang siya.
"Yes?" Sabi niya. Okay, pakapalan na talaga 'to ng mukha.
"Pwede ko ba muna mahiram sandali ang motorcycle mo?"
Parang tumigil yata ang oras nung tinanong ko yun. Kabadong kabado ako at pinagpapawisan na talaga ng malagkit. Haggardness overload na nga eh.
"Sure. No prob." Sabi ni Ate. Inabot naman niya sa akin yung helmet niya na may nakasulat na Vanessa F.
Sobra ang ngiti ko nun at kinuha ko ang calling card ko sa wallet ko. "Salamat po! Ako nga po pala si Sulli Chul and here's my calling card. Kung kukunin ninyo na po yung motorsiklo ninyo kontakin ninyo nalang po ako."
"Okay, I'm Hannah Vanessa Fajardo nga pala." Sumakay na ko sa motorsiklo.
"Thanks talaga ng super Vanessa."
[A/N: Nag-promote eh 'no? Hahaha. Hannah Vanessa Fajardo is the female lead in my story "The Wrong Boyfriend". Click ninyo nalang yung external link or go to my profile para mabasa yung story niya.]
And with that, I made my way to the hospital.
***
"SIS!" Sigaw ni Coleen. Pulang pula ang mata niya at may hawak pa siyang puting panyo.
"Nasaan si Jop?!" Nakita ko din yung ibang troputik at si Oppa dito. Shems, ano bang nangyari?
"Nandun siya sa loob ng kwarto..."
What I heard next shattered my world. "...he's in coma."
WHAT?
Halos manlambot ang tuhod ko sa narinig ko. "A-Ano bang nangyari?" Tanong ko.
"He was in an accident, Sis." Sabi ni Sulli. Nakita ko naman yung ibang troputik na nakatungo nalang din.
"Oppa?"
"He was already very critical when he was brought here in the hospital. I already did what I could, Sulli. I'm sorry." Sabi ni Oppa. Halos manlumo naman ako.
Naalala ko yung aksidente kanina nung papunta ako dito sa ospital. Kasama siguro siya doon sa naaksidente kanina?
Napahagulgol naman ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok sa kwarto o hindi at makitang nakaratay si Jop doon na walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba siya o hindi.
"Tara Sul, let's go out!"
"Chupi nga. Ang kulit mo din eh, hindi nga ako makikipag-date sa'yo sabi."
"Kuripot naman ni Mrs. Fernandez."
"O'? Kanina ka pa naiyak diyan ah? Tinalo mo pa yung nanay ni Hana sa pag-iyak."
"Letse ka naman eh, naiiyak lang talaga ako kasi nagkatuluyan din si Hana at Oppa. I'm so happy for them!"
"Sus, hayaan mo next time tayong dalawa naman ang naandyan sa harapan ng altar."
"Anong gusto mo? Hon?"
"Tse!"
"Babe?"
"Eeew."
"Mommy?"
"Lintek."
"Mrs.Fernandez?"
BLAG. Ayan, nasapak ko tuloy.
Nag-flashback lahat ng ala-ala ko kasama si Jop. Yung panga-alaska niya sakin, pangungulit. Basta lahat-lahat.
Kapag iniisip ko na malaki ang posibilidad na hindi ko na siya makakasama ulit ng ganun, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Bakit ba kasi ang tanga mo Sulli?
"I love you, Jop." I whispered as I watched him sleep beside me inside the Van.
***
COMMENT AND VOTE HAHAHAHA! JK. XD