-Hana's POV-
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
"Shaleen.....
and Akito?!"
I didn't expect this. Mag-gets ko pa ang motive ni Shaleen pero si... si AKITO?! Of all people, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko then this...
"Oh? Surprised Mrs.Chul?" Sabi ni Shaleen na may hawak na phone pero hindi ko siya pinansin at agad nagsalita.
"Akito,.. bakit? I-ikaw ang may pasimuno ng lahat ng 'to?" Nagkanda-utal utal na ako sa pagsasalita sa sobrang gulat. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko.
Lumapit naman sakin si Akito at napuno ng takot ang buong katawan ko nung nakita ko ang mga mata niya. Parang hindi siya ang Akita na nakilala ko.
Ibang-iba kaysa nung nakita ko siya dati. May gentleness sa mga tingin niya sa akin dati pero ngayon... parang iba. Hindi ko maintindihan pero ibang iba talaga.
Tumigil naman sa harapan ko si Akito at hinaplos ang pisngi ko.
"What if I say, yes?" Nanginig at nanlamig ako sa mga sinabi niya. Awtomatiko ko namang tinabig ang kamay niya at lumayo sa kanya. He smirked at me.
"A-Akito? A-Anong nangyayari sa'yo?"
Lalong lumawak ang ngiti sa mukha niya.
"You do know that I like you, right?" Sambit niya.
"But I thought you said you moved on!"
Bigla naman siyang tumawa at tumingin sa akin. "And you really believed in it?"
Napatigil naman ako. "W-What?"
Napakuyom ako. Huwag mong sabihing... ginagawa niya ang lahat ng 'to dahil sa nararamdaman niya para sa akin?
Hindi naman ako makapaniwala.
The Akito I know is not that desperate. Not this desperate to the point na magagawa niyang magpahamak ng ibang tao.
Mabait si Akito at hindi niya kayang makasakit ng iba pero ngayon... gulong-gulo na ako.
Sino ba talaga ang totoong Akito?
"You're insane, Akito." Madiin kong sabi. Bigla namang sumabat sa usapan namin si Shaleen.
Wait, nakalimutan ko na nandito pa pala siya.
"At ikaw, ginagawa mo rin ba 'to para maagaw si Shin?" Sabi ko naman sa kanya and she smiled devilishly at me."Wow, sa may utak ka din pala?" Sabi ni Shaleen na puno pa ng kaartehan ang pagsasalita.
"Alam ninyo, wala kayong mapapala sa mga ginagawa ninyo ngayon. Hinding hindi ninyo makokontrol ang nararamdaman ko at ni Shin."
Nagsalita muli si Akito. "We know that." Naguluhan naman ako doon sa sinabi niya.
Nakita ko naman na may kinuha si Shaleen sa bag niya at napaatras ako nung makita ko kung ano iyon.
"If we can't get what we want then... we won't let anyone have it either." Malamig na sabi ni Shaleen habang tinututok niya sa akin ang baril.
Halos katulad ito ng napapanood ko sa mga teleserye. Ito ung parte kung saan ang mga kontrabida at ung bida ay naghaharap at dito mad-decide kung sino ang mamamatay sa dalawa.
Tiningnan ko ulit silang dalawa.
Tuluyan na ngang nabulag ng pagmamahal at galit sina Shaleen at Akito. Bakit ba kailangan mangyari ang lahat ng 'to?
Bakit kailangan pati si Jop madamay sa kaguluhang ito?
Napahawak ako sa may tiyan ko. Napapikit ako.
Hindi. Hindi pa ako pwedeng mamatay dito. Hindi pa pwede. Hindi ko hahayaang mamatay ang batang nasa sinapupunan ko. Kailangan mabuhay kami pareho.
Para sa bata. Para sa mga anak ko. Para sa pamilya ko. Para kay Shin.
"No, I won't let you kill me here."
And a single gunshot echoed throughout the place.
***
AUTHOR'S NOTE:
Don't forget to leave a COMMENT and VOTE this chapter.
Pa-click na din ng external link para mabasa ang latest update ng JADINE fanfic na "I Love You My Arrogant Cosplayer" na malapit ng matapos.