-Hana's POV-
"Akala ko ba group vacation? Ba't parang tayong dalawa lang yata ang nandito?" Sabi ko habang nakaupo dito sa may lobby ng hotel kasama si Shin.
Loko talaga yung mga taong yun, takasan daw ba kami paglabas ng airport.
ANG BIBILIS TUMAKBO PAPALAYO EH!
May lumapit naman samin na isang lalaki at hinatid kami sa room 'daw' namin. Dito kasi yung hotel na pina-reservan nung mga loko-loko na yun.
---
Next stop naman namin ni Shin ang mall. Kasi kanina nasa isang cafe kami at kain lang ako ng kain. BWAHAHAHA.
Ang sarap eh, ba't ba? :P
"Ang cuuuuute~!" Sabi ko pagkakita ng isang stuff toy.
"Isip bata talaga." Rinig kong sabi ni Shin na nakangiti pa sakin. Hinampas ko sa kanya yung stuff toy.
"Yah?! Ito talaga,.... mahal mo naman?" Sabi ko.
Nilapit naman niya ako sa kanya at kiniss sa buhok. Ay shet, lakas namin maka-PDA! XD
"Of course, I love you so much." Sabi niya. Ayieeee, >//< Kinilig naman daw ako. Waaah~
"Come on, I'll buy this for you." Sabi ni Shin. Binili naman namin yung stufftoy at lumabas ng store.
Kaso saktong paglabas ng store, biglang may humila ng damit ko kaya napalingon ako.
"MOMMY!" Napatingin tuloy kami sabay ni Shin dun sa batang humihila mgayon ng damit ko at umiiyak pa.
*___* OMG so cute! Pero teka ano daw? Mommy?
MUKHA NA BA AKONG MAY ANAK?! T_________T
"Mommy?" Sabi ni Shin sabay tingin sakin. Umiling naman agad ako.
"Isa, Shin? Hindi ah! Wag ka ngang tumingin ng ganyan." Sabi ko sabay hampas sa kanya. Ang lalaking 'to, tsk tsk tsk.
"Daddy!" Bigla naman itong pumunta kay Shin at tumalon talon na parang sinasabing buhatin siya.
DADDY?!?! O__________O
This time, ako naman ang napatingin sa kanya.
"N-No! This kid's not mine either." Sabi ni Shin. Napatingin ulit ako dun sa batang babae. Sino ba 'to? At ba't naman niya kaming tinatawag na Mommy at Daddy?
"Hi little girl,"Sabi ko sabay halumbaba para maging kasinglevel ko yung bata. "what's your name?"
Nginitian naman ako nung bata. "Krystal!"