Chapter 1

678 11 1
                                    

Ang tahimik..

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ng kwarto ko. Nakakatitig sa kisame at pinalilipas ang oras.

Isang taon na din pala.

Isang taon na akong nakakulong sa mansyon na ito para gampanan ang kontratang pinirmahan ko.

This what I get for involving myself into something that I should not interfer with the first place.

Kung hindi lang talaga matindi pangangailangan ko noon, hinding hindi ko papasukin ang kontratang ito. Pero pag iniisip kong nasa mas maayos na buhay ngayon ang pamilya ko nawawala lahat ng pag sisisi ko.

I'll exchange anything and everything, even my whole life for the welfare of my family.

Pero alam kong hindi tama 'to. Hindi tamang mag pakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal at hindi ko lubusang kilala.

Isang taon na lang naman at makakalaya na ulit ako. Kailangan ko lang mag tiis.

I am a subtitue wife for one year now, one more year and our contract will expired and terminated, mawawalan ng bisa. Makakabalik ako sa dati kong buhay, ng marangya at masagana, hindi na iisipin na mag hihirap pa kami kahit na kailan.

Tumayo na ako sa pag kakahiga dahil mag hahanda na ako ng hapunan, parating na sya at kahit asawa nya lang ako sa papel tungkulin kong pa ring pagsilbihan sya. Kung may isang bagay man kaming pinag kakasunduan, yun ay pagkain. Mahilig ako mag luto at mahilig syang kumain. Namana ko sa papa ko ang galing ko sa pag luluto, kaya nung regular na akong nakakapag padala sa kanila at malaki na ang ipon namin sinabi kong mag patayo na sila ng maliit na kainan na ngayon ay isa ng malaking karinderya sa bayan namin. Kaya kahit na anong sama ng turing sakin ng lalaking yun, pinasasalamatan ko pa din sya ng sobra sobra. Kaya naman ginagawa kong lahat para pag butihin ang pag luluto ko kasi doon ko na lang nae-express ang pasalamat ko sa kanya.

Patapos na ako sa pag aayos ng kubyertos sa lamesa ng marinig ko ang yapak nya papasok ng mansion. Rinig na rinig ko yon kasi walang ano mang bagay ang lumilikha ng ingay maliban doon. Eto na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko. Pinilit kong mag focus sa ginagawa ko, iniwasang mag isip ng bagay na makakapag pa distract sakin. Maya maya pa ay tapos na ako kaya naman tumayo na ako ng tuwid dahil dama ko ang presensya nyang papalapit.

"Good evening Sir." Sabi ko at yumuko ng bahagya para bigyan sya ng pag galang.

Katulad ng dati ay ni hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin at dumerecho sa hapag. Kaya naman nag excuse na ako sa kanya dahil mag sisimula na syang kumain, at ayaw na ayaw nyang binabantay pag kumakain na sya.

This is insane.

Halos araw araw ganito ang set up namin. Napabuntong hininga na lang ako.

Palabas na ako ng dining room ng makita ko si "Thomas" bati ko sa kanya.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" Nakangiti nyang puna sakin. Kung may nagustuhan man ako sa lalaking napangasawa ko, yun ay ang kaibigan nyang si Thomas. Hindi mo kasi aakalain sa sobrang cold ng taong yun mag kakaroon pa sya ng totoong kaibigan.

Agad akong ngumuso dahil hindi ko namalayan na nakasimangot na pala ako, hayy.

Pinat nya lang ang ulo ko ng di ako sumagot. "Asan si King?"

"Andun kumakain." Sabi ko na lang.

"Aish, kaya pala nag mamadaling umuwi kanina. Sige una na ako kausapin ko lang sya." Yumuko na ako at nag paalam sa kanya.

"Nga pala.." Napahinto ako sa pag lalakad ng muli nya akong tawagin. "May training tayo mamaya. Mag handa ka na." Agad din syang umalis pag kasabi nya nun, umaliwalas naman ang mukha ko sa sinabi nya.

The Subtitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon