Adrianna POV
I don't know what to do. Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ni King, mas lalong nag wawala yung puso ko sa kaba.
Oh shit.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari ngayong gabi.
Pag kapasok ko ng mansyon kanina, agad akong sinalubong ng isa sa mga tagapag silbi namin, iniutos daw sa kanya ni Adam na dumerecho ako sa kwarto. Now i don't have anymore reason not to talk to him.
Great!
Halos mapugto ang hininga ko ng makarinig ako ng mahinang ungol galing sa kwarto ni King. Naman! Talagang balak nya akong kausapin habang may ibang babae sya sa loob ng kwarto nya??
Tuloy tuloy lang ang ungol na naririnig ko, pero parang babae lang ang umuungol kasi di ko madinig ang boses ni King. Bakit ba kasi di nya gawing sound proof yung kwarto nya para di ko naririnig yung kababuyan nila.
Maya maya pa ay wala na akong marinig na ingay nang biglang mag salita si King mula sa loob "Come in." Matigas at ma awtoridad nyang bigkas.
I stop myself from rolling my eyes. Base palang sa tono ng boses nya galit na sya.
Si King, kahit pa ba halos linggo linggo iba't ibang babae ang inuuwi nya, we are civil to each other. Alam ko malaki ang respeto nya sakin, at ganun din ako sa kanya.
May mga times na mag papatawag pa sya ng katulong para sabihan akong wag muna lumabas ng kwarto lalo kapag may babae syang inuwe sa mansyon. Ayaw nyang nakikita ko syang may ibang babaeng kasama sa kwarto nya. Hindi ko alam pero yun ang pakiramdam ko kaya ginagawa nya yun ay dahil may respeto sya sakin bilang asawa nya kahit pa ba kontra lang yun, pero noon yun.
Pero ngayon mukhang ginalit ko talaga sya. Sa loob ng isang taon naming pagsasama, eto ang unang beses na makikita ko syang may ibang babae na kasama, sa loob pa ng kwarto nya.
Nag aalinlangan man pero pikit mata kong pinihit ang doorknob ng kwarto ni King.
Shit! Shit! Shit!
Pinilit kong maging neutral ang expression ko, binaliwala lahat ng kaba at takot na unti unting kumakain sa kalooban ko.
Pag bukas ko palang ng pinto amoy na amoy ko na ang pabango na isang babae. Iniwasan kong mapangiwi sa naamoy ko kasi sigurado akong mas malala pa ang makikita ko sa kabuuan ng kwarto.
Tulad ng iniaasahan ko, nakaupo sa sofa si King naka sandal ang magkabilang siko nya sa tuhod nya habang naka lean forward, mataman akong tinititigan. Humakbang ako papasok ng kwarto at iniwasan kong ilibot ang tingin ko. Dama ko ang presensya ng isang babae sa kama mismo ni King habang nakahiga. Alam kong tinititigan nya din ako.
Ang ipinag papasalamat ko lang ngayon ay naka pants si King pag pasok ko sa kwarto, hindi ko ata kayang makita syang naka boxer noh. Juskong mahabagin baka mapa-sign of the cross ako ng wala sa oras.
Magulo ang buhok nya, at halata mong kagagaling nya lang sa pag tatalik. Hindi naman na bago sakin ito, open minded akong tao, dahil halos linggo linggo nya tong ginagawa. At saka lalaki sya, may mga pangangailangan syang hindi ko maibibigay, oo asawa nya ako sa papel pero sa lagpas na isang taon naming pag sasama never kaming nag tabi sa isang kama. Yeah, simula ng ikinasal kami wala pang nangyayari samin. At isa yun sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko sa kanya, dahil hindi ko maatim makipag talik sa lalaking hindi ko naman minamahal.
Pero base sa titig nya sakin ngayon napainit ko talaga ang ulo nya. Minsan na kasi nya akong di naabutan sa pag uwe nya, kahit pa ba nag paalam si Thomas noon na may training kami na sobrang ginabi naman ay talagang ikinagalit nya, hindi sakin kundi kay Thomas. Hindi kailanman ako pinag taasan ng ng boses ni King, pag galit sya tatalikuran nya na lang ako at di na kakausapin. Kaya simula nun nangako ako kay King na hindi ako gagabihin sa pag te-training, pero eto ako ngayon. Hindi na nga ako nag paalam, ginabi pa ako ng husto. Adrianna what have you done?

BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
ActionA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...