Adrianna POV
Matapos ang makapagbagbag damdamin naming eksena kanina ni Adam, dumerecho na ako ng kwarto ko. Kung di ko pa nga sya pinagtulakan na wag pumasok sa kwarto abay balak pang matulog sa kama ko.
Nahiga na ako sa kama matapos kong maglinis ng katawan. Usually naman naka long sleeve cotton shirt at panjama ang suot ko sa pag tulog, napaka komportable kasi sakin pag eto pantulog ko.
Halos mag iisang oras na ako nag papaikot ikot sa kama, pero no dice di pa din ako inaantok. Isa lang ang naiisip kong mag papa antok sakin. Kailangan ko ng libro, any kind of books, pero mas prefer ko ang mystery/action. O kaya fiction/science. Basta kailangan ko talaga mag basa ng libro.
Tumayo ako sa pag kakahiga at dahan dahan akong lumabas ng kwarto papunta sa library ng mansyo, malapit lang yun sa kwarto ni Adam kaya mas lalong kailangan kong mag ingat. Ayaw ko maistorbo ang pag tulog nya, nako baka mangulit pa sya noh, lalo di ako makatulog, papaantok nga ako eh.
Nang nasa tapat na ako ng library, itinatapat ko muna ang tenga sa pinto. Mamaya nasa loob pala si Kumag, nag mumukha pa akong mag nanakaw pag nakita nya ako.
Nangwala akong narinig, nilingon ko ang pinto ng kwarto ni Adam, sigurado ako tulog na yun.
Dahan dahan ko ng binuksan ang pinto ng library, natatawa pa ako ng bahagya kasi ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong may ginagawang kalokohan at ayaw pahuli sa magulang, hahahahaha.
Nakahinga ako ng maluwag ng matiwasay akong makapasok ng library. Tumatagos ang liwanag ng buwan mula sa bintana ng kwarto kaya naman kahit papano nakikita ko ang nilalakaran ko, dumerecho ako sa lamp shade na nasa table katabi ng sofa, binuksan ko yun, sapat na liwanag para mas makita ko ang kabuuan ng kwarto.
Dumerecho na ako sa isa mga book shelf dito sa kwarto. Halos mag ningning ang mata ko sa dami ng libro ng nakikita.
"Oh ghaad." Mahina kong sabi, grabe kahit ata buong taon akong mag stay dito sa kwartong to di ako mababato.
"Loving the view?"
"Yeah." Wala sa sarili kong sagot sa lalaking nag tanong sakin.
Too late para ma-realize ko na may ibang tao na pala akong kasama ng di ko namamalayan. Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Adam na nakasandal sa pinto na nasa pagitan ng dalawang book shelf. Sigurado akong konektado yung pintong yun sa kwarto nya.
"I thought your asleep." Sabi ko matapos kong makuha ang librong napili kong basahin. Dumerecho na ako sa sofa, at doon naupo, dito na ako mag babasa tutal naman gising pa si Adam, wala na akong dapat pag taguan.
Tell Me Your Dreams by Sydney Sheldon, eto yung napili kong libro maganda kasi yung synopsis nya. Napaka interesante.
(A/N: Try to read it guys, lalo na yung mahilig sa mystery na may halong psychology. Magugustuhan nyo yung librong to.)
Habang nag babasa naramdaman kong nawala sa loob ng kwarto si Adam, inisip ko baka natulog na pero mayamaya pa nakarinig ako ng yapak papunta sa pwesto ko. Napatingala ako ng makita kong nakatayo sa harap ko si Adam habang may dalang dalawang kumot at dalawang unan. Yung isa kumot ikinumot nya sakin, tapos isang unan inilagay nya sa likod ko yung isa pinatong nya sa hita ko, tsaka sya nahiga sa sofa, ginawa nya akong patungan ng ulo, aba magaling.
Inihinto ko ang pag babasa at tinignan sya, nakatapat ang mukha nya sa tyan ko at nakangiting nakapikit. Para talagang bata.
"If you want to sleep go to your room, mas komportable pa doon. Hindi yung namamaluktot ka dito sa sofa." Sabi ko tsaka sya tinapik ng mahina sa mukha, ang kulit kasi.
BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
AksiA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...