ADRIANNA POV
Mag iisang oras na ako nasa daan, pinili kong mag libot muna dahil masama talaga ang loob ko. Medyo nag subside na din ang luha ko, naisip kong baka nagawa yun ni Adam dahil madami syang iniisip ngayon, tapos nalaman pa nyang pumunta ako ng office nyang walang paalam, kaya nagalit sya at nasigawan ako.
Matapos ang ilang minuto pang pag iisip napag pasyahan ko ng umuwe. Masaya din palang mag road trip mag isip, ganda pa ng sasakyan ni Adam kaya kahit papano napagaan nun ang loob ko. Tsaka amoy na amoy ko ang pabango nya, yun din ang isang bagay na nakapag pakalma sakin.
Inilibot ko ang tingin ko sa sasakyan, napakalinis ng loob nun, animoy bagong bili. Well, ano pa nga bang maasahan mo sa lalaking multi-billioner. Napaka swerte talaga nung ex fiancé nya, kasi sigurado naman ako after namin mag divorce ni Adam babalik din sya sa Monique na yun.
Sumakit na naman tuloy ang dibdib ko sa ideyang yun.
Ipinilig ko ang ulo ko, hindi dapat ako masaktan dahil simula pa lang na nung una, na pumayag ako na maging subtitute wife ni Adam, alam kong pansamantala lang ang lahat. After 2years babalik na ako sa dati kong buhay.
Napadako ang tingin ko sa kaliwang gilid ng manibela ng sasakyan, medyo madilim ang parte na yun pero may naaninag akong itim na bagay, ng kapain ko yun ay may nahawakan akong matigas na bagay, iniangat ko yun at nakita kong isa pala yung baril, semi-pistol, mas maganda pa yun sa baril na binigay sakin ni Thomas.
Itinukod ko ang siko ko sa manibela, at chinek ang magazine ng baril, puno yun ng bala. Grabe, sobrang ganda at ang gaan, itinutok ko yun sa harap ng daan, na animoy may target akong gustong barilin. Napatingin tuloy ako sa side mirror ng kotse, at napansin kong may nakasunod pala sakin.
Dalawang itim na kotse at limang nakamotor, yung mga naka motor balot balot alam mong may balak silang masama, yung dalawang kotse naman sobrang tinted. I wonder kung nakikita pa nung mga nag da-drive yung dinaaanan nila.
Ngayon ko lang napansin na ako at ang mga humahabol sa kotse na sinasakyan ko ang nasa daan, mas binilisan ko ang pag papatakbo dahil may pakiramdam akong di magandang mangyayari pag naabutan nila ako. Ipinatong ko sa hita ko yung baril na nakita ko sa loob ng kotse ni Adam, at kinuha ko naman yung baril sa bag ko na nasa driver seat.
Napatili ako ng mag simulang mag paulan ng bala yung mga humahabol sakin, agad akong nabalot ng takot dahil pakiramdam ko ngayong araw na ata ako mamamatay.
Huhu T.T bakit naman nila ako papatayin, hindi ko pa nga nahahanap forever ko, tsaka gusto ko pang mag ka babies nuh. Grabe sila.
Kinalma ko ang sarili ko, at pinilit kong mag focus. Hindi pa akong handang mamatay, pero kung di ko sila papaputukan yun ang kakahatungan ko. At pag binaril ko sila siguradong makakapatay ako, at hindi ko kaya yun. Kahit sanay na akong humawak ng baril, hindi pa ako nakakabaril nag totoong tao.
Napasigaw ako ng tumatagos na sa loob ng kotse ang mga bala, mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Oh God, please help me.
Hawak ko pa din ang baril ko sa kaliwang kamay ko, hindi ko na alam, hindi ko kayang mag paputok at bumaril ng tao. Pero hindi pa talaga ako handang mamatay, hindi pwede.
Huminga ako ng malalim, at pinakalma ko ang sarili ko.
"Hindi ako pwedeng mamamatay. Hindi ako mamamatay ng di lumalaban."
Pinunasan ko ang luha sa mukha ko, at tinignan ang mga sasakyang humahabol sakin mula sa basag na side mirror ko. Tinansya ko kung paano sila ma-eeliminate sa mabilis na paraan.
Isipan mo na lang na nasa Chamber ka ulit Adrianna, this is just a experiment. Hindi sila totoo, pwede mo silang barilin.
Dahil sa naisip kong yun may kung anong pwersang biglang nakapag pakalma sakin. Mas naging tuwid na ang isip ko.
BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
ActionA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...