ADRIANNA POV
Naghahanda na ako hapunan, sigurado ako parating na sila kaya na e-excite ako, hehehe.
Umayos na ang pakiramdam ko matapos and near death experience ko kahapon ng datnan ako. Pakiramdam ko mas malala pa yun sa tinamo kong mga pasa sa pagiging test subject ko nung nakaraang linggo. Jusko, di ko na kayang maulit yun.
Habang nag aayos ako ng kubyertos nakarinig na ako ng sasakyan sa labas, dali dali akong tumakbo palabas ng dining room para salubungin sila.
"Adam!" Masigla kong bati sa kanya, tinanguan nya lang ako at nakita ko na sa likod nya yung lalaking labis akong pinag alala nitong mga nakalipas na araw.
"Thomas!!" Agad agad akong tumakbo sa kanya at niyakap sya. Don't get me wrong, parang kapatid ko na din tong si Thomas, mas nauna din kasi akong naging malapit sa kanya kaya kesa kay Adam, kaya naman nung nalaman kong binaril sya ng magaling kong asawa, nakiusap ako sa kanya na ayain nya si Thomas mag dinner sa mansyon.
Nung una ayaw nya, pero napilit ko sya. Simula nun, naging aloof na naman sya sakin, at palaging nakasimangot.
"Just tell me when your done cuddling infront of me, before I loose my appetite for dinner." Malamig na turan samin ni Adam na nasa likod lang pala namin.
Di ko sya pinansin at pinakatitigan ko si Thomas. Gosh, siraulo talaga tong si Adam, tama ba namang barilin nya sarili nyang kaibigan. Si Thomas na nga lang nag tya-tyaga sa kasamaan ng ugali nya.
"Are you alright?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Yeah, I should be the one to ask you that." Nakangiting baling nya sakin.
"Ikaw ah, ilang araw mo akong pinagtaguan. Nakakatampo ka." Nag papacute kong sabi sa kanya, natawa naman sya tapos pinat nya lang ang ulo ko.
"Nah, I visit you. Hindi lang kitang matyempuhang gising."
Napa-ahh na lang ako sa naging sagot nya, pero syempre di ako naniwala noh. Nawala ang atensyo ko kay Thomas ng makarinig ako ng malakas na kalampag mula sa dining area.
"I think kailangan na nating sundan si King." Naiiling na sabi ni Thomas, sa tingin ko nga din.
--
The whole dinner kami lang ang nag uusap ni Thomas, catching up each other. Sabi nya nag pagaling daw sya ng ilang araw sa hospital nila, pag katapos madami daw syang ginawang mahahalagang errands kaya di nya agad ako nadalaw. Naiintindihan ko naman yun.Kung ano ano lang ang napag usapan namin hanggang matapos ang dinner. Di ko nga napansin na wala na pala sa hapag si Adam, baka pagoda yun sa dami nyang naging trabaho.
Nagkwentuhan pa kami ni Thomas haggang napag desisyunan nyang umuwe. Sabi nya babalik na daw kami sa training sa mga susunod na araw, aayusin lang daw nya ang schedule tapos ite-text nya na lang daw ako para sunduin. Eto ang gusto ko kay Thomas, di nya ako hinahayaang ma-bore sa buhay ko.
Inihatid ko na sya hanggang sasakyan nya na nasa tapat lang din naman ng main door.
"Mag iingat sa pag uwe. Text mo ako pag nakauwe ka na. At wag na wag mo na ulit ako iiwasan. Magagalit na talaga ako sayo."
Ginulo nya lang ang buhok ko at bahagyang natawa.
"Opo Lola." Kinurot ko sya sa tagiliran kaya na pa aray ang loko.
"Hahaha, oo na. Sige na pasok ka na. Baka mahamugan ka pa at mag kasakit. Takaw disgrasya ka pa naman." Sinimangutan ko lang sya at itinulak na sya papuntang pinto ng kotse nya.
"Mauna ka ng umalis, ayan lang ang uuwian ko oh. Sige na, mag iingat ka."
Ngumiti pa sya ng malapad sakin bago sya sumaludo at pumasok sa kotse nya. Umatras ako bahagya para makapag maniobra sya. Kumaway kaway pa ako hanggang makalabas na ng gate ang kotse.

BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
AcciónA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...