Chapter 3

374 9 6
                                        

This is insane

This is insane

This is insane

Matapos ang makapigil hininga naming eksana ni Adam sa dining area kanina, ay agad agad akong tumakbo sa loob ng kwarto. Ano ba yung nangyari?

Wala sa sarili akong naupo sa kama, jusko Adri, ano ba yung ginawa mo!

Napag desisyunan ko na mag stay na muna sa kwarto at di lumabas. Baka kasi kung ano pa mangyari pag lumabas pa ako ng kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama at pilit na makatulog ulit kahit yung diwa ko lumilipad pa sa kung saan. Kaasar T.T

Halos mag dadalawang oras na din akong nakatitig sa kisame ng makarinig ako ng sasakyang papaalis. Agad akong tumakbo papunta sa bintana para silipin yung labas, at gustong gusto ko mag tatalon sa tuwa ng makita kong sasakyan ni Adam yung papaalis.

Ang balak ko ngayon ay umalis din, pupunta ako sa training ground, kahit ako lang mag isa. Kailangan ko lang i-release yung tension naiwan sa katawan ko.

Naligo muna ako at nag ayos sa sarili. Isang v-neck tshirt na pinatungan ko ng hood jacket, leggings at gray rubber shoes ang suot ko, ayos na 'to. Komportabling suot dahil gusto kong mag pawis ngayon.

Nag baon din ako ng extra t-shirt kung sakali, ayaw kong matuyuan ng pawis noh.

Bago ako lumabas ng kwarto ay tinawagan ko muna si Thomas. Balak ko, sya ang mag sabi kay Adam kung nasaan ako. Baka hanapin nya ako pag biglang umuwi sya ng mansyon.

Dinial ko na ang number nya, nag ring ng ilang beses bago may sumagot.

"Hello Adri." Natawa ako ng bahagya kasi mukha bagong gising lang sya.

"Hi Thomas." Masigla kong bati sa kanya.

"Uhm." Mukhang antok na antok pa talaga sya, hahaha.

"Thomas ipaalam mo ako kay Adam na pupunta ako ng training ground ah. Mag target shooting lang ako, pero di ako gagabihin. Promise. Sige na tulog ka na ulit, hehehe. Bye bye."

Hindi ko na sya inaantay sumagot, ibinababa ko na yung tawag bago pa sya makapag reklamo. Siguradong tatawag ulit yun o kaya ite-text ako para pagalitan.

Bumababa na ako at dumerecho sa garahe, andun kasi yung baby ko, na excite tuloy ulit ako. Ngayon ko na lang kasi ulit yung gagamitim eh.

Pag dating ko sa garahe, pumunta ako sa pinaka sulok noong area, wag na kayong mag taka kung sobrang laki ng garahe ng mansyon ni Adam, 12 vintage and sports cars lang naman ang nandito. Sisihin nyo sya, adik sasasakyan yun eh. Ako isa lang ang favorite ko, hehehehe.

Nang marating ko yung dulo ng pila ng sasakyan agad kong nakita ang hinahanap ko. Tinanggal ko ang tabing na nakabalot doon at tumambad sakin ang baby ko, isang Ducati 1299 regalo sakin ni Adam noong nakaraang birthday ko.

 Tinanggal ko ang tabing na nakabalot doon at tumambad sakin ang baby ko, isang Ducati 1299 regalo sakin ni Adam noong nakaraang birthday ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Subtitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon