Adrianna POV
Nagising ako dahil sa sakit ng balikat ko, at parang may kung anong nakadagan sakin. Sobrang sakit din ng katawan ko, bakit kaya? T.T
Napamulat ako ng mata ng maalala ko ang mga nangyari, bumungad sakin ang madilim na kwarto, tanging liwanag na nanggagaling sa buwan at street light na tumatagos sa bintana ang nakakapag pailaw dito sa loob. Biglang sumakit ang ulo ko, parang may pumupukpok, kaya napahawak ako don, napansin kong may kung anong nakakabit sa kamay ko, napag tantong ko na naka dextrose pala ako.
Tatayo sana ako ng may maramdaman talaga akong mabigat na nakadagan sa bandang tyan ko pababa, kaya napatingin ako doon, hita yun ng isang lalaki. Napakunot ako ng noo, as far as I know wala namang lalaki sa kwarto k-
"Uhmmm." Nahinto ako sa pag iisip ng mapalingon ako sa tabi ko, si Adam pala 'to. Anong ginagawa nitong lalaking 'to sa kwarto ko.
Ibinaling ko ang katawan ko papunta sa deresyon nya. Tulog na tulog sya at halata ang pinaghalong pagod at puyat sa mukha nya, I wonder kung ilang oras akong tulog.
Hinawakan ko ang mukha nya, naalala ko na naman yung mga lalaking nagtakang patayin sya, naiyak na naman tuloy ako. Hindi ko sila gustong barilin pero kung di ko gagawin yun, papatayin nila ako at si Adam. Hindi ko hahayaang mangyari yun.
Napahikbi ako ng isa isang bumalik sa alalala ko ang mga nangyari, ang lumiliyab na kotse, ang barilan, at pag patay ko isa isa sa mga lalaki. Pakiramdam ko, ako na ang pinaka masamang tao sa buong mundo.
Napamulat ako ng hilahin ako papalapit ni Adam sa bisig nya at kinulong nya ako ng yakap, lalo tuloy akong napaiyak.
"Hush, everything's gonna be alright wife."
Natigil tuloy ako sa pag eemote ko ng tawagin ako ni Adam ng 'wife'. Sinong wife? Yun ba endearment nila nung ex-fiancé nya?
Inilayo ko bahagya ang mukha ko sa kanya at tinitigan sya. Baka kako ay tulog pa sya at nananaginip sya sa ex nya.
"What?" Hindi naman inis ang boses nya pero mukhang antok na antok pa sya, nakapikit kasi sya habang nag sasalita, baka eto yun ang sinasabi nilang sleep talk, diba?
"Gising ka ba?" Malay mo tulog sya, parang medyo creepy pala pag nag ii-sleep talk ang isang tao.
Iwawagay way ko sana yung kamay ko sa harap nya ng bigla nyang hinawakan yun at dinala sa bibig nya tsaka hinalikan, sa gulat ko nasampal ko sya.
"What the- bakit mo ko sinampal?" At ngayon po ay nagising na ang beast mula sa pag kakatulog nya.
Nataranta naman akong hinawakan ang pisngi nyang nasampal ko, nagulat kasi talaga ako.
"Huhu T.T ikaw kasi g-ginulat mo ako." Napabuntong hininga lang sya at bahagyang lumayo sakin, tinitigan nya ako, na conscious tuloy ako bigla, napahawak ako ng di oras sa gilid ng mata ko. Baka kako eh may muta.
Habang busy ako sa pag kalikot ng mata ko biglang nag salita si Adam.
"How are you feeling?" Ako ata ang tinatanong nya, kaya tinignan ko sya, nakatingin pa din sya sakin. So ako nga kausap nya, mahirap na mag assume noh, baka mamaya may iba pala syang kausap na hindi ko nakikita. Whaaaa, creepy!
Ipinilig ko ang ulo ko tsaka sumagot, "Uhmm, sa tingin ko naman ok ako."
Ngumiti naman sya sakin, bakit naman kaya sya nakangiti. Minsan talaga feeling ko may sayad din tong si Adam.
Biglang naiiyak na naman ako ng may maalala ako.
"Makukulong na ba ako Adam? Kelan ako aarestuhin" Hindi man lang ako nakapag paalam kay Papa at sa mga Kuya ko, T.T sigurado akong malulungkot ang mga yun dahil makukulong na ang prinsesa nila. Naiiyak na naman tuloy ako.

BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
AksiA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...