Adrianna POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Pinilit kong imulat ang mata ko at unang kong nakita ay puting kisame.
"Asan ako?" Tanong ko sa sarili ko.
Biglang nag flashback sakin ang mga nangyari bago ako hinimatay kanina.
"Ma'am Adrianna, gising ka na. Ayos na ba pakiramdam mo?" Napalingon ako kay Grace na nakatayo sa gilid ng paanan ng kama ko.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto, napagtanto ko na nasa ospital ako. Iniangat ko ang kanang kamay ko at nakitang kong naka dextros ako.
"Anong oras na Grace?" Iniangat ko ang buong katawan ko at isinandala sa head board ng kama na hinihigaan ko. Kumapara nung bago ako himatayin mas nabawasan ang sakit ng katawan ko.
"Quarter to 4PM Ma'am Adrianna." Napabuga ako ng hangin, mukhang napasobra ata ang ginawa ko.
"Ilag oras na ako nakatulog?" Inialis ko na ang dextors na nasa kamay ko. Kailangan ko ng umuwe, hindi dapat ako maabutan ni King na wala sa bahay. Paniguradong mag wawala na naman yun.
"Higit limang oras Ma'am." Nakayukong sabi ni Grace.
"That long?" Napailing na lang, hindi maganda ang pakiramdam ko, mukhang lalagnatin pa ata ako.
"Ma'am hindi po muna kayo pwedeng umalis, under observation pa kayo." Pag pipigil sakin ni Grace.
"I'm perfectly fine Grace. I better be going. Ayaw ko maabutan ng dilim sa daan. Nasaan ang mga damit ko?" Naka hospital gown kasi ako. Damn! Kaya ayaw ko talaga sa ospital pakiramdam ko mawawalan talaga ako ng pagkatao pag inobserbahan nila ako.
Alangan man pero walang nagawa si Grace, iniabot nya sakin ang nakaayos na tiklop na damit ko.
Pumasok na ako sa banyo na nasa loob lang din ang kwarto ko, napaka laki ng banyo para sa isang pasyente lang. Alam kong naka elite private room ako dito sa ospital, at alam na alam kong kila Thomas lang din itong ospital na 'to kung san ako inadmit.
Humarap ako sa isang full length mirror. Hinubad ko ang hospital gown na suot ko kaya tumambad sakin ang nag kukulay violet kong katawan. Napakalalaki ng pasa na tinamo ko, isa sa binti, tigisa sa mag kabiling hita, isa kanang bahagi ng tyan ko, tig isa din sa braso ko at isa sa likod ng balikat ko. Mga malalaking pasa iyon, kasing laki ng kamo kung ikukumpara ko. Hindi din talaga biro ang gun stimulator ni Agatha.
Nag bihis na ako at lumabas ng kwarto, inabutan ko si Grace nanakatayo lang sa labas ng banyo na para bang inaantay ako.
"Where is my Ducati?" Ang tinutukoy ko ay ang motor ko, tinatansya ko ang oras ng byahe mula dito papuntang sa mansyon ni Adam.
"Nasa parking lot lang po ng ospital Ma'am."
Nag lakad ako papunta sa sofa ng kwarto, nasa harap lang yun ng kama na hinigaan ko kanina. Doon kasi nakapatong ang body bag ko, kinuha ko ang cellphone ko at agad akong nag dial doon.
"Yana, yung hapunan ni King Adam naka handa na ba? Good. Andyan na ako before 5pm." Tinawagan ko ang isa mga tagapag silbi sa mansyon, kailangan kasing may maabutan na pagkain si King, kundi malilintikan talaga ako.
"I'll be going, thank you so much for assisting me this day Grace. Sabihin ko kay Thomas na dagdagan ka ng extrang bayad para makabawi naman ako sayo. Ok? Ingat ka sa pag uwe mo." Yumuko lang sya at nag pasalamat din sakin, hindi ko alam pero napaka galang talaga ng mga nag sisilbi kila Thomas, naloloka lang ako.
Palabas na ako ng kwarto ng may maalala ako, "And one more thing Grace, you better not to tell to anyone of what happen this morning, of me being as a test subject of Agatha. Most specially to Thomas, I'll be the one to tell him, so please don't bother. Can I trust you with that huh?"

BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
AksiA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...