THIRD PERSON POV
"Boss." Agad na sinalubong ni Jake si King Adam na kakarating lang sa hide out nila.
Isang three-story building, kung titignan mula sa labas mukha itong mansyon na sobrang tago. Nasa isang sikat na subdivision din kasi ang hide out nila. Aba naman, isang Multi-Billioner slash Mafia Boss po si King Adam, so di papakabog ang hide out nila noh.
Kanina pa tinawagan si Jake ng boss nila, pinag re-report sya ni King sa mga suspect ng pang a-ambush kay Adrianna. Kumpleto na lahat ng impormasyon na kailangan nila, utos na lang ni King ang inaantay.
Michael Jacob Monteverde, mas kilala bilang Jake ng mga malalapit sa kanya. May ari ng isang Kompanya na ang line of bussines ay Wine and Beverages na sikat na sikat sa bansa. Isa rin sa kanang kamay ni King Adam, actually apat silang direct na nag re-report sa Boss (King), una na nga si Thomas, pumangalawa sya at si Heaven at Hell, the fraternal twin ng grupo.
"So who is it." Tanong ni King habang nag mamadadaling naglalakad papapuntang basement ng building.
"Sir it was the group that we caught last month. The Jiya group, who threatened our buyers to quit their transaction with us and switch to them." Mababakas ang takot sa pananalita ni Jake dahil sobrang nakakatakot ang itsura ngayon ni King. Ibang iba ang itsura nito ngayon, animoy konting pag kakamali mo lang, mamapatay ka nya.
"Where are they?" Agad na binuksan ni King ang pinto ng basement ng makarating sila, andun din ang iba nilang tauhan. Andun na din si Heaven and Hell at ibang mga tauhan na kanina pa inaantay ang pag dating ng leader nila.
"Boss." Nakayukong bati ng kambal kay King.
Heaven Jane Silva at John Helldric Silva, isa rin sila sa kanang kamay ng Mafia Group na pinamumunuan ni King Adam. Ang kambal ang nag mamay ari sa pinaka sikat at pinaka mahal na exclusive/private schools sa bansa na may iba't ibang branch sa Asia.
"They are in their place Sir. Having transaction with our usual buyers." Sagot ulit ni Jake.
Inihanda na ni King ang baril na gagamitin nya at tumungo na palabas ng basement, huminto ito ng malapit na sa pintuan.
"Leave that asshole to me. The rest, finish them all at once. Don't leave a single dirt in that place." Sabi nito at tsaka tuluyang lumabas.
"Yes boss." Sabay sabay nilang turan at tsaka sumunod sa kanya palabas.
-
Nakarating sila sa isang port kung saan andun ang mga kargamentong ibinebenta ng Jiya group. Napinamumunuan ng isang business tycoon na si Mr. Dy, isang ambisyosong business man na bagong salta sa underground, na gustong pagharian ang Mafia Organization na kinabibilangan ng grupo ni King Adam.
Unang bumababa ng sasakyan si King, walang habas nyang pinag babaril ang tauhan ni Mr. Dy, ng ma clear nya na ang daan nya ay agad syang nag libot para makita ang habol nya. Ang buong port ay napapaligiran ng nag lalakihang container box (A/N: Yung container box ay malalaki talaga, alam nyo ba yung mga box na karga ng 10 to 16 Wheeler truck, yung mga syumesyeteng truck? Yeah yeah? You got the picture? Good). Alam ni King na nasapaligid at nag tatago lang ang si Mr. Dy kailangan nya lang hanapin. Panay pa rin ang paputok nya walang pakialam kung sino ang mapatay nya hanggang sa lumiko sya sa isang container box at nakita na nya ang stupidong nag plano para ipapatay sya.
"Well well well, tama nga sila, isa ka ngang masamang damo Mr. King Adam Consunji." Nakangising sabi ni Mr. Dy, napapaligiran sya ng di bababa sa bente kataong tauhan nya.
Walang emosyong tinititigan ni King ang taong kausap nya, habang patagal ng patagal lalong nag pupuyos ang kalooban nya.
"Bata, hindi mo ako matatakot kahit mag damag mo akong titigan ng masama. Mabuti na din at nandito ka, gusto kong masaksihan kung papano ka mawalan ng buhay sa harap ko."

BINABASA MO ANG
The Subtitute Wife
ActionA contract that will change her whole life. What more can be damaging than knowing you are just a mere subtitute. Nothing more and nothing less. She accept the terms and condition like she accept living in hell with the demon. How can she be heartle...