Chapter 5

316 7 1
                                        

Adrianna POV

Naalimpungatan ako mula sa pag kakatulog dahil sa gutom. Hindi ko na halos matandaan kung kelan ang huling kain ko. Minulat ko ang mga mata ko at unang nakita ko ay ang puting kisame. May naramdaman akong presensya sa tabi ko kaya naman nilingon ko iyon, nakita ko si King na nag babasa ng libro habang nakaupo sa sofa. Napalingon sya sa gawi ko, kaya ngumiti ako. Ngumiti din sya matapos ang ilang segundo, natawa naman ako ng bahagya dahil doon.

"You look much better now." Puna nya at mas nilapit ang upuan nya sa tabi ko.

Ngumiti lang ako ng mas malapad, pinilit kong isandal ang katawan ko sa head board ng kama. Tinulungan naman ako ni King para gawin yun, bumalik din sa pag kakaupo pagkatapos.

"Ilang oras ako nakatulog?" Nakayukong tanong ko kay Adam, nahihiya kasi talaga ako sa kanya.

Nagulat ako ng biglang umupo sa kama ko si Adam, nasa mismong harap ko sya ngayon nakaupo. Nakatingin lang sya sakin, hindi ko mabasa ang nasa isip nya pero mukhang di naman sya galit kasi naka ngiti sya.

"Almost 20 hours kang tulog. Akala ko nga matatagalan ka pa ng pagising." Nakangiti pa ding sagot sakin ni Adam. Kinikilabutan talaga ako sa mga kinikilos nya.

"Adam hindi ka ba nausog? O Nahipan ng masamang hangin?"

Kinunutan nya ako ng noo. Ee kasi naman, napaka weird talaga nya.

"Ee kasi naman dati di ka ganya. Di mo naman ako pinapansin, para nga lang akong hangin na dinadaanan mo."

Pinagdikit ko ang hintuturo habang sinasabi yun kay Adam, ng biglang hilahin nyang ang isang kamay ko papunta sa kanya, hinawakan nya yun gamit ang dalawa nyang kamay kaya napaangat ako ng tingin. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong nag pipigil sya nga tawa habang maiigi akong tinititigan. Na-concious tuloy ako.

"Things will become harder for us from now on, I'll need you to stay by my side."

"S-stay by your side?"

"Pfft, yeah. I need you to stay with me Adri."

Bakit ba sya natatawa? Hindi ko tuloy ma absorb sinasabi nya.

"Bakit ba natatawa ka?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"I'm just too happy that your awake now. And I can talk to you freely from now on, without holding back."

Huhuhu, bakit ba ganyan sya mag salita, feeling ko malapit na syang mamatay.

"Sabihin mo nga Adam, malapit ka na bang mamatay kaya ganyan ka mag salita?" Diba ganun yung mga malapit ng mamatay, bumabait sila.

"Aww, bakit mo naman ginawa yun?" Napahawak ako sa noo ko ng pitikin nya yun, sira ulo tong lalaking to.

"Let's put it this way." Ano daw?

In-extend nya yung kaliwang kamay nya papunta sakin. Yung parang nakikipag kamay sya.

"Let's start all over again. Hi! I'm King Adam." Natawa naman ako sa ginagawa ni Adam ngayon, mukha kaming mga tanga dito.

"Ok, I'm Adrianna, nice meeting you King." Tinaas baba ko pa kilay ko matapos kong sabihin yung 'King', napasimangot naman sya dahil doon, kaya natawa na ako ng tuluyan.

"I thought you want to call me Adam?" Hahahaha, ibang iba ang nakikita kong Adam ngayon, sa nakakasama ko lagi sa mansyon.

"Ok, Adam. Let's be a good friend." Ngumiti ako ng malapad sa kanya matapos kong sabihin yun. Gumanti dim sy ng ngiti sakin.

"Friends." Sabi nya pa, tapos pinat nya ang ulo ko.

-

Limang araw na ang nakakaraan, simula ng nadischarge ako from the hospital. And I'm feeling much better now.

The Subtitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon