---------------
Jason's POV
Napa buntong hininga ako habang pinagmamasdan si Thea na nawalan ng malay dahil na 'din siguro sa kalasingan nakita ko na isa sa mga matatapang na alak ang ininom kaya siguro kahit na hindi pa nakakalahati ang iniinom n'ya ay nahilo na s'ya.
Agad ko naman s'yang binuhat at buti na lang at konti lang ang tao sa silver bullet ngayon araw. Agad na sinakay ko s'ya sa sasakyan ko at habang nilalagay ko ang seatbelt n'ya ay napa kunot-noo ako ng Makita na may luha sa mga mata n'ya.
Ginamit ko ang daliri ko para tanggalin ang luha sa mata n'ya pero biglang may tumulo nanaman na luha. Napa iling na lang ako at pinagmasdan ang mukha n'ya habang naka ngalumbaba sa manibela ng sasakyan ko.
''Kaya kaba uminom dahil para makalimutan?'' tanong ko kay Thea na para bang maririnig n'ya ang sinasabi ko. Napakamot naman ako ng ulo ng biglang may maalala. ''Saan kaba nakatira ah?'' napa ngiwi na lang ako.
Agad na kinuha ko ang phone ko para idial ang isang taong kilala ko na malapit kay Thea bahala na kung ano ang isipin n'ya bakit kasama ko si Thea basta maayos lang na makatulog ito. Ilang sgundo ang nakakalipas bago sagutin ni Maximillo ang tawag ko.
''Hello Maximillo? Nasaan ka?'' agad na tanong ko.
''House.'' Maikling sagot ni Maximillo sa tanong ko. ''Why?'' mayamaya ay tanong n'ya.
''Kasama ko ang kapatid mong babae.'' Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ni Maximillo sa kabilang linya.
''Nasaan kayo? Anong ginagawa n'ya?''
''Lasing s'ya. Ihahatid ko na lang s'ya 'dyan sa bahay mo para naman may kasama s'ya mahirap nab aka magpakamatay pa ang kapatid mo.'' Pabirong sabi ko pero wala naman akong narinig na sagot kay Maximillo sigurado akong iniisip n'ya kung ano ang gagawin n'ya sa kapatid n'ya si Thea.
![](https://img.wattpad.com/cover/69344056-288-k281866.jpg)