Jason's POV
"Tamang senti lang?" napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Thea.
"May iniisip lang ako." Simpleng sagot ko.
"Ano naman?" tanong nya habang naka salubong ang kilay.
"Si Terrence---" napahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagsabunot niya sa gwapo kong buhok. "Nagbibiro lang naman ako bakit moko sinabunutan?!"
"Wala practice lang iniisip ko kasi kung wig buhok mo." Sabay ngising aso niya saakin.
"Tss, Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"
"Aba hindi ko alam."
"Edi ikaw." Napatingin naman saakin si Thea.
"Ako?" wala sa sariling tanong niya.
"Oo ikaw nga, iniisip ko kung paano ka magiging saakin." Hindi naman sumagot si Thea tahimik lang siya nakamasid saakin. "Thea, alam mo naman na matagal na kitang gusto. Ayoko na lang isipin na kung paano ka magiging saakin. Gagawa na ako ng paraan para maging akin ka."
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Oo sigurado ako, hindi naman ako nakashabu kasi sayo palang adik na ako kahit dalhin mo pa ako sa hospital para ipa-drug test negative yon, pero kung about sayo positive talaga na gusto kita, hindi lang gusto."
Nakita ko naman kung paano mamula ang buong mukha ni Thea. "Mahal kita." Agad na sabi ko.
"Teka baka nabibigla ka lang." sabi ni Thea sabay tayo agad naman ako nataranta ng bigla siyang tumayo kaya mabilis ko siyang pinigilan.
"Thea—"
"Sorry pero ayokong bigla kang nagsasabi ng ganyan." Inalis ni Thea ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na tumalikod.
"Nareject ba ako bigla? Damn it." Mahinang bulong ko. "Mas masakit pa 'to kaysa sa atake sa pu----"
"BULAGA!!!"