CH - 38

990 28 5
                                        

Thea's POV


"Ano ba kasi talaga ang problema?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong ulit kay Jason 'yon. Paano ba naman ilang araw na rin iba ang kinikilos niya, hindi masyadong makulit at maingay. Loka-loka baka kase sawa na siya sa pagiging pakipot mo? Pagsasalita nang isang tinig sa ulo ko umiling ako para mawala ang mga epal na sinasabi ng isip ko.


"Wala naman." Sagot niya pagkatapos ay balik na sa pagiging tahimik. Naka upo siya sa maliit na sofa sa loob ng kwarto habang ako naman ay bumalik sa pagkakahiga sa kama.


Paano nga kung nag sawa na talaga siya saakin?


Naglabas ako ng buntong hininga napaka komplikado talaga kapag usapang pag ibig na. "May problema ba?" napatigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses ni Jason na may halong pag aalala. Lumingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti.


Mukha naman mali ang iniisip ko dahil bakas naman sa boses at tingin n'ya na nag-alala siya saakin. Kung hindi pala ang pagiging trying hard ko ang dahilan ng medyo paglayo niya kung ganon ano? O baka ako lang talaga nag iisip ng kung anu-ano?


Tumayo si Jason sa pagkakaupo sa sofa at humakbang papunta sa kama parang na praning lahat ng Sistema sa katawan ko dahil nagmamadaling umupo ako pero bago pa ako makaalis sa kama ay napigilan na ni Jason ang balikat ko. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.


"Nagugutom lang ako." palusot ko sa kanya para hindi niya mapansin ang aking pagkailang.


"Kakatapos lang natin mag dinner." Palihim akong napangiwi sa sagot niya. Oo nga pala 10pm na pala at dahil wala na rin naman akong maisip na palusot ay humiga na lang ako pabalik sa kama.


Ilang araw na rin naman kami magkatabing matulog ni Jason pero ngayon gabi parang iba ang ihip nang hangin dahil siguro sa mga nangyari netong mga nakaraang araw kaya nakakaramdam ako nang pag kailang.


Si Jason naman ay tahimik lang na nakahiga at nakatitig sa itaas nang kisame. Hinayaan ko naman na titigan siya habang hindi siya aware. Oo alam ko na masamang tumitig sa tao pero sino ba kasi ang hindi mapapatitig sa lalaking 'to?


Nilapit ko nang bahagya ang mukha ko sa kanya. Ang hahaba nang pilik mata minsan talaga nakakainggit ang mga lalaki lalo na sila madalas ang binibiyayaan ng ganoong klaseng pilik mata. "Kung babae ka ilan kayang lalaki ang iiyak dahil sayo?" hindi ko namalayan na palakas pala ang boses ko dahilan para lumingon si Jason sa direksyon ko.


Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa nararamdaman ko pa ang mainit na buga nang hininga ni Jason sa pisngi ko na nagbibigay nang kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Dapat ay lumayo na ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil saakin na wag umalis.


Nahihibang na ata ang katawan ko dahil may sarili na siyang utak!


Nang maramdaman ko na mayroong sapat na lakas na ako upang makalayo nagpasya na gumalaw ang katawan ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay ni Jason na hinawakan ang bewang ko at nilapit sa katawan niya.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon