CH - 22

4.9K 122 54
                                    

-----------------

Jason's POV


''Hey Catherine nasaan ang mga flowers ko?'' tanong ko kay Cath ng maka pasok ako sa loob ng flower shop n'ya.




''Ito na grabe ka naman maka pag madali.'' Natatawang sabi n'ya at inabot saakin ang order ko.



''Salamat.''



''Para kanino ba 'yan ah Jason?''



''Hmm. Sa special someone ko.''




Mukhang nagulat naman si Catherine sa sinabi ko. ''Alam ba ni Rosercl yan? O si Rosercl ang someone mo?'' alanganing ngiti lang ang binigay ko kay Catherine at nag paalam na.




Nang maka dating na ako sa Marquez Agency ay bumaba na ako habang bitbit ang bulaklak na bibigay ko kay Thea agad ko naman nakita si Thea na naka upo habang inaayusan s'ya ng buhok dahil may photoshoot na gagawin ngayon.




Tumigil ako sa harap n'ya at tumikhim ng malakas. ''Oh Jason.''




''Hey,'' naka ngiting bati ko hindi ko mapigilan na pagmasdan ang magandang mukha n'ya mukhang tinamaan nga talaga ako ng kupido. Inabot ko sa kanya ang bulaklak na dala ko at mukhang nagulat naman s'ya.




''Diba sinabi ko naman sayo na wag mo ng ituloy ang ginagawa mo?'' reklamo nanaman n'ya saakin.




''Kapag tumigil na ako ibig sabihin ba non sinasagot mo na ako?'' iiling iling lang si Thea at kinuha ng binigay kong bulaklak magsasalita pa sana ako pero biglang may kung sino ang yumakap sa likuran ko pag lingon ko nakita ko ang naka ngiting si Rosercl.




''Namiss kita aking irog kamutsa ang buhay namiss mo ba ako?'' narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Thea. Napa kamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ni Rosercl.





''Ano ba ginagawa mo dito ngayon Rosercl? Hindi ba dapat andoon ka sa gusali kung saan tumatambay si Maxie?''


TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon