CH - 40

872 24 1
                                    


Thea's POV


"Okay lang ba sayo na umuwi na tayo?" tanong ko kay Jason habang naka upo kami sa dalampasigan at pinapanuod ang paglubog ng araw.


"Okay kana ba?" tumango naman ako sa tanong niya naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya at ngayon ay naka akbay na siya saakin.


"Naisip ko lang na nakakamiss din pala na bumalik na sa trabaho. Namimiss ko na 'rin sila Lory. Ikaw ba Jason hindi mo pa namiss na bumalik sa dati mong ginagawa? Masyado ko na 'rin kasi naiistorbo ang buhay mo. " nakokonsensiyang saad ko, paano ba naman simula palang ng pagbalik ko sa Pinas puro si Jason ang andyan sa tabi ko.


"Kahit kailan hindi ka istorbo saakin Thea." Nakangiting ang mga mata ni Jason at kahit paano nawala ang pag-aalala ko. Yumakap na ako sa kanya.


"May isang kilalang sa New York na designer and kinukuha nila ako para irampa ang clothing collection nila, hindi ko alam kung kailan magsisimula pero nagbabalak na akong tanggapin 'yon, kung okay lang sayo?"


"Mabibisita naman kita sa NY kapag maluwag ang schedule ko."


"Sigurado ka? Kahit magtagal ako roon?"


"Bakit gusto mo ba doon na tayo tumira?" binatukan ko naman siya.


"Gusto mo na magwala ang kuya ko kapag nalaman niya na itatakbo moko?"


"Bakit? Kung hihintayin mo ang kuya mo na magkaroon ng lovelife baka nauna pa pumuti ang uwak." Ngising aso lang ang sinagot ko kay Jason. Mayamaya yumakap na siya ng tuluyan saakin. "Hindi naman natin kailangan magmadali."


"So uuwi na tayo bukas?" naramdaman ko naman ng pagtaas baba ng ulo ni Jason na nagsasabing pumapayag na siya. "Edi mag ayos na tayo?"


"Wag muna mabilis lang naman magkakapag ayos dito muna tayo habang wala pang istorbo." Ngumuso pa siya saakin at nagpacute natawa na lang ako at niyakap siya pabalik.


--

Kinabukasan maaga kaming nagising ni Jason para ayusin ang mga kailangan namin dalhin pauwi. "Siguraduhin mo na wala kang kakalimutan sa mga gamit mo ah?" pagpapaalala ko.


"Paano kung mag iwan kaya ako ng isang piraso ng brief? Sa tingin mo ba itatawag pa 'yon ng mga tao 'rito?" curious na tanong saakin ni Jason, hinagisan ko naman siya ng unan na malapit saakin.


"Ang baboy ng alam mo. Pero malay mo si Terrence pa mismo magbalik sayo kapag iniwan mo." Pabalik na pang aasar ko sumimangot naman siya at nagkunwaring nagdabog.


"Wag na lang baka mamaya ano pa mangyari sa brief ko."


"Nagseselos ka pa rin ba kay Terrence?"


Tumawa naman siya na parang baliw. "Bakit naman ako magseselos kay Terrence ngayon nasa akin kana." Pagmamalaki niya at kumindat. "Sweet ko noh? Kaya pogi ako eh."

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon