Dedicated to @aancuh06 thanks for reading and commenting! godbless you always and take care!~ Spread love vibes! :* Love lots! xoxo.
------------------
Jason's POV
''Dyan ka lang hahanap lang ako ng lugar na pwede nating pampalipas ng gabi.'' Pag papaalam ko kay Thea nakita ko naman na parang hindi s'ya mapakali ng makalabas ako ng kotse kaya binuksan ko ulit 'yon.
''Babalik ako okay?'' nang tumango na s'ya ay mabilis na tumakbo ako papunta sa isang matandang babae na papasok sa loob ng bahay n'ya. Nag tanong ako kung saan ako makakakita ng kahit apartment lang.
''Meron kaso medyo konting lakad pa hijo.'' Pag kasabi n'ya non ay may tinuro s'yang isang gusali napakamot naman ako sa ulo. ''Oh hijo bakit may problema ba?'' tanong n'ya saakin.
''May dala po kasi akong kotse kaso nasira po nandoon 'yung kasama ko baka kapag iniwan namin doon mawawala bigla 'yung kotse.''
''Ganun ba nasaan baa ng kotse mo?'' tinuro ko naman sa di kalayuan ng kotse na dala ko. ''Hayaan mo nalang 'dyan papatulak ko na lang sa gilid kapag naka uwi na ang anak kong lalaki.'' Naka ngiting sabi ng matanda nag pasalamat naman ako sa kanya.
Pero bago ako makaalis ay tinawag n'ya ulit ako. ''Hindi ba sabi mo may kasama ka? Babae ba o lalaki?'' tanong n'ya saakin.
''Babae ho.'' Sagot ko 'akala ko ay tuluyan na akong iniwan nung matanda pero pumasok lang pala s'ya sa loob para iabot saakin ang isang payong.
''Ayokong maisip na mababasa ang kapwa ko babae ng ulan habang naglalakad oh ito isauli mo na lang kapag napadaan ka dito bukas.'' Nag pasalamat naman ako at nagmamadaling tumakbo na pabalik kay Thea na nasa kotse.
Nang buksan ko ang pinto ng sasakyan nakita ko na naka yakap s'ya sa sarili n'ya. ''Nilalamig kana ba?'' tanong ko sa kanya pero umiling naman s'ya. ''May napag tanungan ako kanina sabi ni Lola na may malapit daw na pwede natin tuluyan kaya tara na.''
''Sandali paano itong kotse hindi ba mawawala 'to?''
''Hindi 'yan.'' Pag kasabi ko non ay binuksan ko na ang pintuan sa pwesto ni Thea at binuksan ang payong para sa kanya.