CH - 43

625 24 1
                                    

Thea's POV


Hindi ko alam kung paano kokontrolin ang sarili ko habang kasabay ko kumain si Jason ngayon. Niyaya niya akong kumain ng dinner may isang bahagi ng utak ko na gusto siyang kausapin tungkol sa narinig ko kanina sa pagitan nila ng kapatid ko pero may malaking bahagi 'rin na gusto ko na siya mismo ang magsabi saakin ng mga nalalaman niya.


Bakit? Gusto mo pa ba umasa sa kanya na aayusin niya? simula naman ng una alam na niya kung anong nangyayari sa paligid mo! Thea wake up! This handsome creature infront of you ay isang manipulator.


"May problema ba Princess? Kanina ka pa tahimik." Nag-aalalang sambit ni Jason pinilit ko naman ngumiti sa kanya.


Nagtataka naman ako ng bigla maglabas siya ng piso, itinapat niya sa mukha ko. "Tignan mo mawawala 'to." Akala ko kung anong magic trick ang gagawin niya pero bigla lang niyang hinagis sa kung saan ang kawawang barya pagtapos ay nag tada.


Batid ko na ginawa lang niya 'yon para gumaan ang atmosphere sa pagitan namin dalawa nagwagi naman siya dahil kahit paano ay natawa ako. He grinned at me pagkatapos ay pinagsalikop ang mga kamay namin.


Kung hindi ko lang siguro narinig ang pag uusap nila panigurado tumatalon na sa tuwa ang puso ko pero mas bumibigat ang pakiramdam ko dahil nararamdaman ko ang maingat niyang paghawak saakin at ang mga mata niya na kumikislap habang pinagmamasdan ako.


Or parte lahat 'to ng drama niya?


Pagkatpos namin kumain ay nagyaya akong maglakad lakad kami para lumanghap ng sariwang hangin. Na kailangan kailangan ko para umayos ang takbo ng pag iisip ko. Tahimik lang kami pareho, pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa.


Hindi ko rin maintindihan pero naiinis ako sa katahimikan na meron sa pagitan namin. Hindi ba niya naisip na magandang oras na 'to para aminin na lang niya ang mga kasalanan niya saakin? Kung hindi niya man aaminin, ibig sabihin ba na mas gusto niyang ilihim na lang?


Inalis ko magkasalikop na mga kamay namin ni Jason at humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas ng loob para sabihin ang gusto kong sabihin. "Maghiwalay na tayo." Nakita ko naman ang pagrehistro ng gulat sa mukha ni Jason. Pero mayamaya nawala 'rin at wala kahit isang emosyon ang makikita sa mukha niya.


"Bakit?"


"Gusto ko lang." tila nagdududa naman siya sa sinagot ko dahil ilang segundo 'rin siyang nakatitig saakin. Tinapangan ko ang sarili ko at sinubukan makipag palitan sa kanya ng titig.


He sighed. Nagbago 'rin ang ekspresyon ng mukha nito nang magsalita ulit. "Gusto mo lang? What do you mean na gusto mo lang Thea?" naguguluhang saad niya. "You just can't break-up with me at gagamitin ang excuse na gusto mo lang."


Pinagmasdan ko ang guwapong mukha ni Jason nagtiim baga siya pagkatapos ay humakbang palapit saakin ngunit humakbang 'din ako palayo sa kanya. Ilang hakbang pa ang ginawa niya upang makalapit ngunit pilit din akong lumalayo. "Please Thea don't go away. Kung sasabihin mo saakin ang problema kung bakit gusto mo makipag usap we can talk about it." Pagmamakaawa niya sinusubukan na abutin ako gamit ang isang kamay niya.


"Bakit hindi ikaw mismo ang mag sabi kung ano ang problema?" pabalik na tanong ko sa kanya. Clueless pa 'rin ang mukha niya habang ako ay halo-halong emosyon na. The way he acted na parang walang alam 'to, I just don't know how to think straight.


Nangangati na ang mga kamay ko at gusto ko na lang kalmutin ang gwapong mukha niya para makaganti sa mga pagkakataon na pinamukha niya akong tanga. "Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina ni Kuya sa office." Nagpapasalamat pa ako sa sarili ko dahil nagawa kong sabihin ang mga salitang 'yon ng kalmado.


Base na 'rin sa itsura niya ng marinig ang sinabi ko ay halatang alam na niya kung saan hahantong ang lahat ng 'to. Hindi man lang siya sumagot bagkus ay nakatitig lang siya sa mukha ko. At hindi ko na 'rin siguro kailangan malaman pa ang lahat ng detalye sapat na ang makita sa reaksyon niya ang lahat. Alam niya na malaking kasinungalingan ang ginawa niya saakin.


"Masaya ka ba sa mga araw na pinagmukha mo akong tanga?" hindi ko na pinigilan ang sarili ko na magsalita. "All this time ikaw lang pala ang may gawa ng lahat ng 'yon. Alam mo kung gaano ako natatakot noon dahil akala ko nasa kapahamakan ang buhay ko. Not knowing na all this time ikaw lang pala ang may gawa ng lahat, na set-up lang ang lahat."


Nakita ko naman ang pagtiim-baga ni Jason at pag higpit ng kamao niya. "Bakit hindi mo na lang sinabi ang lahat? Bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" hindi pa 'rin siya umiimik dahilan para mas bumigat ang dibdib ko. "Ano? Tititigan mo lang ako? Jason pinamukha mo akong tanga! Wala akong ibang ginawa kundi ang papasukin ka sa buhay ko." naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko.


"Wala akong ginawang masama sayo. Hinayaan kitang makita mo ang weakness ko. Hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka, sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka. Hinayaan ko na mahulog sayo dahil akala ko.." hindi ko na matuloy ang mga gusto kong sabihin sa kanya the pain inside my heart just keep getting worst. Parang mawawalan ako ng sariling oxygen kung patuloy kong ibubuhos ang sama ng loob ko sa lalaking kahit isang salita walang nilalabas sa bibig niya.


Akala ko sa pangalawang pagkakataon na hahayaan kong magmahal ulit ang puso ko ay magiging ayos na. Pinaramdam niya saakin kung paano magmahal ulit sa pangalawang pagkakataon ngunit bakit mas doble naman ang sakit ngayon kumpara sa unang pagkabigo ko sa pag-ibig?


"Gusto ko na umuwi."


"Ipagd-drive kita."


"Gusto ko. Ibig sabihin ako lang mag-isa." Diniin ko ang bawat pagkakasabi ko para hindi niya ako sundan. Mabilis na nilagpasan ko siya. Wala man lang ginawa si Jason hindi man lang siya nagsalita ng kung ano para mapagaan ng kalooban ko.


And as I walked away tears starting to fell from my eyes. Mahinang pagtawa ang pinakawalan ko dahil sa pagiging miserable ko nanaman sa pag-ibig. He makes me feel like im falling inlove again for the first time after having gone through all of the terrible things that I've been through. Pero still would he end up being another heartbreak para saakin?


Ayoko na masaktan ulit. Falling inlove was the best feeling na everyone could ever have but it can also be the worst thing. And this time I don't know if kaya ko ba magawang kalimutan ang katulad ni Jason. 


-Rosercl

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon