CH : 33

5.5K 127 42
                                    


-------------

Jason's POV


Ang sarap sa pakiramdam ng yakapin ka ng taong gusto mo. Pero hindi ko naman gusto na magyakapan na lang kami ni Thea kaya gumawa ako ng paraan para lumabas siya ay hindi para yakapin lang siya.




''Pero gusto mo naman siyang yakapin hindi ba?'' tukso ng isip ko napa iling na lang ako at hindi pinansin ang sinasabi ng isip ko.





Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay Thea at ngumiti sa kanya. ''Sana mag enjoy ka kahit na dito lang tayo.''




''Mag eenjoy naman ako.'' Naka ngiting sabi niya. ''Tara na!'' excited na hinila niya ako ng mapansin niya na hindi ako sumasama ay lumingon siya saakin. ''Bakit?'' nagtatakang tanong niya.




Tinanggal ko naman ang suot ko na jacket at ibinigay sa kanya 'yon. ''Malamig ngayon baka magkasakit ka.''




''Ikaw hindi kaba nilalamig?'' nag aalalang tanong niya.




''Hindi ako madaling lamigan 'saka gusto ko na mag enjoy ka.'' Nakangiti sagot ko.




''Pero—''



''Suotin mo na kapag hindi mo sinuot yan hindi ka makakasakay sa kahit anong rides dito.'' Tinawanan naman niya ako at sinuot na ang jacket na binigay ko.




Pinasakay ko na siya sa swing. ''Ito ang tinatawag naming pirate ship. Gaano kalakas ang gusto mo? Mahina, gitna o malakas?'' tanong ko sa kanya.




''Hmm malakas!''




''Okay Welcome to my world Thea and your ride will start now.'' Malakas na tinulak ko na ang swing. ''Humawak ka ah?'' paalala ko sa kanya.





''Ayoko na masyadong mataas!'' sigaw niya habang natatawa.



TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon