CH - 15

4.2K 108 57
                                    


--------------

Jason's POV


Busy ang lahat ng tao sa nagaganap na photoshoot sa may tabing dagat naka upo lang ako sa isang sulok habang pinapanuod ang mga kasama ko sa modeling dapat isa 'din ako sa mga nandoon kung hindi lang ako inutusan ni Maximillo na maging body guard ni Thea.




Nakuha ni Thea ang atensyon ko ng lumabas s'ya sa isa sa mga tent mabilis na lumapit ako sa kanya. ''Bakit ganya ang suot mo?'' hindi ko napigilan na itanong.




''Bakit anong masama sa suot ko? Hindi ko ba bagay?''





''Bagay mo naman kaso mamaya kapa naman kukuhanan bakit nag palit kana agad?'' ngumiti naman saakin si Thea at kinuha 'yung roba n'ya sa loob ng tent.





''Oh tatay ayos na po ba 'to?'' tanong n'ya saakin. ''Masyado ka naman atang nag aalala saakin.'' Dugto pa ni Thea.





''Obligasyon ko na alagaan ka hindi ba?'' Pag paalala ko sa kanya lumapit pa ako kay Thea ng mapansin na hindi maayos ang pag kakatali ng roba n'ya kaya agad kong tinali 'yon napansin ko naman ang pananahimik n'ya.





Nang tignan ko s'ya nakita kong naka tingin s'ya saakin habang namumula ang mukha. Mabilis na lumayo ako. ''Pasensya na inayos ko ng hindi nag paalam s'yo.''





''Ayos lang. Thank you.'' Umalis na si Thea at nag punta sa kaibigan n'ya si Lory. Naramdaman ko naman na may humawak sa balikat ko at pag lingon ko ay si Sabrina pala 'yon.




''Puwede kabang maka usap?'' tanong saakin ni Sabrina tumingin muna ako kay Thea na ngayon ay nakikipag tawanan sa mga kasama n'ya.





Binalik ko kay Sabrina ang tingin ko at marahang tumango. ''Anong pag uusapan natin?'' agad na tanong ko ng medyo makalayo kami sa mga ibang tao. Maka tabi kami ngayon ni Sabrina habang naka upo sa buhangin.





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon