---------------
Thea's POV
Hindi ko matiis na mapakunot ang noo paano ba naman ang sinasabing date namin ngayon ni Jason ay walang iba kundi sa manila zoo. Anong akala n'ya kinder garden kami? Pinag krus ko na lang ang kamay ko sa dibdib ko habang naka simangot na sumunod sa kanya.
''Bakit ganya ang mukha mo?'' natatawang tanong n'ya saakin.
Asar na tinignan ko naman s'ya. ''Ako ba pinag tritripan mo ah?''
''Bakit naman kita pag tritripan?'' inosenteng tanong n'ya saakin.
''Sa zoo? Sa isang zoo mo ako niyayang lumabas?'' lumingon ako sa paligid at wala naman masyadong tao.
''Naisip ko lang maybe ayaw mo sa masyadong public. Kaya dito kita dinala. And maganda ang atmosphere dito malapit tayo kay mother nature what do you think?'' nag make face na lang ako sa sinabi ni Jason at tahimik na pinag masdan ang mga unggoy na busy sa paglalaro.
Napansin ko naman panay ang pag sulayap saakin ni Jason kaya naman tinaasan ko s'yang ng isang kilay. ''Bakit parang ang sungit mo ata ngayon?'' tanong n'ya saakin ng mag salubong ang tingin namin binigyan ko naman s'ya ng pekeng ngiti.
''Matagal na akong masungit.''
''Hindi totoo yon. Meron kaba ngayon?'' tinignan ko lang siya ng masama sa tanong n'ya at umalis na sa kinatatayuan ko. ''Come on Thea haggang mamaya ba sisimangot kana lang?''
''Ano naman ngayon sayo kung gusto kong sumimangot?'' mataray na tanong ko.
''I love seeing you smile especially kung ako ang rason.'' Bigla naman umurong ang dila ko sa sinabi ni Jason kakaiba din ang tingin n'ya saakin na parang tumatagos sa buto ko.