CH - 20

4.7K 111 58
                                    

-----------------

Jason's POV


''Terrence.'' Parang napako ako sa kina uupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Thea napa tingin ako sa kanya.




Paano ko nagawang halikan ang babaeng may ibang mahal? At kaibigan ko pa ang mahal n'ya.




Mabilis na lumayo ako bago pa may kung ano akong masabi na pag sisihan ko sa huli. Bago pa matapos ni Thea ang sasabihin n'ya ay pinigilan ko na s'yang mag salita at inunahan na s'ya. ''Sumunod kana sa baba ayos na ang sasakyan.'' Walang emosyon akong pinakita sa kanya.





Ayokong may isipin s'ya na kung ano. Mas maganda na saakin na lang ang emosyon na gusto kong iparating sa kanya. Pag kababa ko ay sumakay na ako sa loob ng sasakyan at mahinang hinampas ang manibela.




Bakit parang nahuhulog ata ako sa mga taong hindi ko naman makukuha?



Napatigil ako sa pag mumuni-muni ng Makita ko na tumatawag si Maximillo. ''Bakit?'' agad na tanong ko sa kanya.



''Nasaan kayo? Hindi ko kayo nakitang bumalik.''



''Pauwi na kami.'' Simpleng sagot ko. ''By the way Max.''



''What?''



''I want to quit. Mukhang maayos na din naman ang kapatid mo. Hindi na siguro s'ya gagawa ng kung anong kalokohan. It's already been a month.'' Kahit na 'di pa s'ya nakaka move on kay Terrence. dugtong ko sa isip ko.




Bigla naman natahimik ang kabilang linya ng tignan ko kung nasa kabilang linya pa si Maximillo ay nandoon pa naman s'ya. ''Let's talk about it sa personal.'' Tumango naman na parang nakikita n'ya ako pag katapos ay binaba ko na.




Lumabas na ako ng sasakyan ng Makita kong palabas na si Thea agad na lumapit ako sa kabilang pintuan para ipag bukas s'ya ng pintuan habang nag mamaneho ay tahimik lang kami mukhang kahit isa saamin ay walang gustong magsalita.




Kahit simpleng dahilan lang gusto kong malaman bakit nasa isip n'ya ay si Terrence at bakit hindi ako. Pero hindi ko na 'din naman kailangan ng dahilan dahil alam ko na 'din naman ang sagot. Tinigil ko na ang sasakyan sa harap ng resort.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon