CH - 6

5.5K 134 40
                                    


---------------

Thea's POV


Natapos na kaming kumain ni Lory at nag pasya kami ni Lory na bago umuwi ay iinom muna kami ng kape. ''Balita ko ay may driver slash bodyguard ka na kinuha ng kuya mo para s'yo?'' tanong ni Lory agad naman akong tumango.




''Oo balak 'din ng kuya ko na magtratrabaho na lang ako sa Marquez Agency at doon mag model.'' Naka simangot na sabi ko.






''Pumirma ako doon last week pa ako nagsimula.'' Sabi naman ni Lory. ''Kung ako s'yo pumayag kana sa balak ng kuya mo madami kang gagawin na projects siguradong malilibang ka at magiging busy ibig sabihin makakalimutan mo na s'ya.'' Patuloy ni Lory.






Kahit naman ata na ''siya'' lang ang babanggitin ni Lory ay kilala ko na ang tinutukoy n'ya napabuntong hininga na lang ako. ''Hindi naman ganoon kadali ang lahat. Kahit ikaw naman ay hindi pa nakakamove on sa s'ya mo.'' Patukoy ko sa lalaking naging last boyfriend ni Lory na walang iba kundi ang kaibigan ni Terrence na si Zech.






Iniba naman ni Lory ang usapan halatang kahit s'ya ay nahihirapan mag move on katulad ko. Habang nag kwekwento si Lory ay naramdaman ko naman na nag vibrate 'yung phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Monte ang nag text saakin.





''Hindi kapa ba uuwi?''





Agad naman akong nagtype ng message sa kanya. ''Hindi pa nag kwe-kwentuhan pa kami ng kaibigan ko bakit?''





Ilang Segundo lang ang lumipas ay naka pag reply na s'ya saakin. ''Nasa labas ako ng mall hinihintay ka.''





Nang laki naman ang mata ko ng mabas ko ang reply n'ya. Mabilis na nag type ako ng message. ''Baliw kaba? Wala naman akong sinabi na sunduin mo ako.''





''Nag aalala lang ako sa'yo gabi na kasi tapos wala kapa.''



TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon