Thea's POV
Isang sulyap pa ang ginawa ko bago nagpasya na bumaba, nasa apartment ng kuya ko ako nagpalipas ng buong gabi nakita ko naman si Mamu na umiinom ng tea niya sa labas habang nagbabasa ng paborito niyang pocketbook.
"Good Morning Mamu." Pagbati ko at hinalikan siya sa pisngi ngumiti naman siya saakin. "Natawagan na ba ni Kuya ang driver mo Mamu? Hindi ko kasi gusto na mag uber o cab ka pauwi baka mapano ka."
Tumawa naman siya at inayos ang buhok ko. "Nako, ganyan din ang sinabi ng kuya mo kanina pa niya tinawagan ang driver ko pati ang nurse ko tinawagan niya para raw walang problema na makakauwi ako ng maayos. Look siya pa ang nag gawa saakin ng inumin ko." halata sa boses ng matanda ang pagkatuwa sa ginawa ng kuya ko.
"Parang hindi pa kayo sana'y kay kuya alam mo naman na kahit malayo tayo sa kanya andyan pa 'rin siya para gumawa ng paraan para ma-alagaan tayo." Tumango naman siya senyales ng pag sang-ayon niya sa sinabi ko.
Sabay na kaming nag-almusal habang kumakain napapansin ko na panay ang titig saakin ni Mamu. "May problema ba mamu?" parang may gustong sabihin ang matanda sa way ng pagtingin niya saakin.
"Masaya lang ako para sayo at sa kuya mo." Nakangiti sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "It's been awhile since last time na nakita kita na masaya talaga at ang kuya mo."
"Mamu naman." Niyakap ko siya nang mapansin ang pagtutubig ng mata neto. "I just hope na wag na sana ulit kunin sa inyo ang happiness na meron kayo ngayon." Nanginginig pa ang boses niya at yumapak pabalik saakin.
"Promise Thea na you will always choose to be happy hija ah? Always listen to you heart." Tumango naman ako pinagpatuloy namin ang pagkain ng almusal at hinintay na makarating ang driver at personal nurse ni Mamu bago ako nagpasya na maligo at mag-ayos na.
May meeting kasi mamayang hapon kasama ang kuya ko para sa alok saakin na panibagong project. Hindi ko maitago ang kaba at excitement sa katawan ko lalo na at namiss ko na 'rin bumalik sa trabaho tama na ang isang buwan na pahinga ko.
Nag ayos na ko hindi ako nagmake up ng bongga mas maganda yung fresh lang. Pagkatapos ng isang oras na pag-aayos kumuha na ako ng maghahatid saakin papunta sa kompanya ng kuya ko. Pero bago yon naisipan ko na dumaan muna sa malapit na coffee shop para bumili ng snacks. Anong oras na 'rin naman 'saka baka di nag almusal ang kuya ko dahil sabi ni Mamu na maaga raw silang umalis.
Pagkapasok ko sa loob amoy ng kape ang una kong napansin. "Hi good morning ma'am. Can I get your order?" bati saakin ng babae na nasa harapan ng cashier na may Fiona na nakalagay sa name plate.
Sinabi ko naman ang order ko at pagkatapos ay umupo sa pinaka malapit na upuan na nasa counter. Napakunot noo pa ako ng makita ang isa sa mga common friend ko sa larangan ng fashion world. Beiron Isaac Figueroa who's busy sipping two large cup of iced americano habang nakatunganga sa mga halaman na nasa paso. Halatang malalim ang iniisip niya at ang mas nakakuha sa akin ng atensyon niya ay ang buhok niya na light green.
Heto lang ata ang lalaking nakilala ko sa buong buhay ko na pa-iba iba ang kulay ng buhok at mabuti na lang ay bumabagay sa hubog ng mukha niya ang mga kulay na napipili niya. Minsan iniisip ko na lang na wig ang mga yon.