---------------
Thea's POV
''Andyan nanaman sila sa labas Thea.'' Napa ngiwi naman ako ng marinig ang sinabi ni Elizabeth agad na kinuha ko ang bag ko at sumilip sa may gilid nakita kong may limang lalaki na naka itim ang naka tayo doon.
Nasa may restaurant kami ngayon ni Elizabeth at ang limang lalaking nakaitim ay mga bodyguard na pinadala ng magaling kong kuya ilang buwan na akong nasa korea at nabalitaan n'ya noon na may gusto daw na kunin ako.
Paranoid lang siguro ang kuya ko kaya naisip n'ya na may gustong kumuha saakin.
Pero ako naman ang napeperwisyo sa ginagawa n'ya dahil kung saan ako mag punta andoon ang mga lalaking itim. ''Tatakas na ako Elizabeth mag kita na lang tayo sa may hotel ah?'' tumango naman saakin si Elizabeth at sinabihan pa ako ng goodluck.
Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan ang kuya ko ilang ring lang ay sinagot na n'ya 'yon inunahan ko na s'yang magsalita sa kabilang linya. ''Kuya pwede ba na palayasin mo na ang mga kampo ng dilim dito?''
''Thea andyan sila para bantayin ka. For god sake's ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hindi sila kampon ng dilim?''
Napasimangot naman ako sa sinabi ng kuya ko at tinignan ulit ang aking mga taga pag bantay na mukha talagang kampon ng dilim. ''Maayos naman ang buhay ko ngayon sa korea kuya walang gagawa ng masama saakin dito.'' Naiiritang sabi ko.
''Paano mo naman nasabi na walang gagawa ng masama sayo? Huh?''
''Paranoid kalang kuya. Pauwiin mo na ang mga kampon—este mga alagad mo kuya sa pilipinas hindi mo man lang ba naisip na hinahanap at miss na sila ng pamilya nila?'' pag kokonsensya ko pero mukhang wala naman narinig ang kuya ko at hindi tinablan ng konsensya.
''Wag mo silang tatakasan Thea—'' hindi ko na pinatapos mag salita ang kuya ko at binabaan na s'ya.
