Time waits for no one.
Yan ang sabi sa isang anime na napanood ko. Pero, paano kung di pa talaga pwede? Kung di pa ako handa? Kung natatakot parin ako sa mga posibleng mangyari pag sumugal ako?
Sapat na nga ba ang mga salitang sinabi niya na, "Maghihintay ako." ?
***
"Kaela, hinahanap ka ni Jc. Nandun siya sa tapat ng room."
"Huh? Ah sige sige. Salamat."
Ano na naman kayang meron sa lalaking yun?-_- lol nako Kaela. Kunyare pa na ayaw mo siyang makita, eh gusto mo naman siya. Teka nga! Bakit ko ba kinakausap sarili ko?
"Good morning, Kae!" binati niya ako ng nakangiti.
"Magaling ka siguro sa puzzles, Jc." wala sa wisyo kong sinabi.
"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?"
"Lagi mo na lang kasing binubo araw ko eh."
"Sus! Wag ka ngang ganyan. Kinikilig ako eh." sabi niya with matching actions. Luh siya."Nababaliw ka na pre. Malala na yan."
"Nababaliw na sayo. Oo nga, malala na." sabay kindat. Inirapan ko na lang siya kahit na nangingiti ako.
"Ano bang ginagawa mo dito ha?" I said, smiling.
"Anong oras uwi mo mamaya?"
"6 pm pa. Ikaw?"
"5. Hihintayin kita ha." pagkasabi niya nun, kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa may puso niya.
Umalis narin siya para pumunta sa klase niya. Ganun siya mag-good bye sakin.
"Hihintayin kita." bulong ko sa sarili ko. Alam kong may iba pa itong ibig sabihin.
***
"Hoy Ian! Wag kasi! HAHAHAHA." Parang timang tong si Ian. Uhm kaklase ko. Nangingiliti kasi eh. Kanina pa yan bwisit!
"Wag? Pero masaya ka naman!"Inirapan ko siya at pinaghahampas.
"Wag kasi! Please." Tumigil na siya at nginitian ako. Titig na titig siya sa mga mata ko.
Teka, mali ito. Si Jc. Masasaktan si Jc pag nakita niya kaming ganito.
"Uhm ano, Ian---"
"Kaela. Gusto kita."
"What? Ian, No. Hindi pwede."
"Bakit?"
H-hindi ako makasagot. Di ko pwedeng sabihin na si Jc. Di pa ako handa na malaman ng lahat na gusto namin ang isa't isa. Hindi pa pwede.
"Di ka makasagot. Ibig sabihin, wala kang ibang gusto." sumaya yung mukha niya at niyakap ako.
"T-teka"
"Kaela..."
Yung boses na yun. Boses niya yun. Agad kong tinulak si Ian at lumingon. Fuck.
"Jc..." palipat-lipat ang tingin niya sakin at kay Ian.
"Sht...Jc. Mali yung iniisip mo." tinanguan niya lang ako at umalis.
BINABASA MO ANG
One Shot collection. Kathniel
NouvellesThe title says it all. Different One Shot Stories(kathniel Fanfics) by jajaJameel. GO READ KATHNIELS!