Chapter 1

4.6K 46 6
                                    

Sharlene’s POV

Uhh… Last day of summer. How sad. Hindi ko na makakasama sina Nash at Joyce… Haha! Well actually buong summer kami magkakasama. Gala here, kain there, trouble everywhere! Oo! Lagi kaming napapatrouble pag gumagala kami or nagsasaya kami… Pagkasi sobrang saya namin nagiging maligalig at careless kami tapos kung ano anon a yung nasisira at nababasag naming dahil sa carelessness naming…

Hindi kami mahilig ni Joyce sa mga elegant elegant at sosyal sosyal warla na mga bagay! Gusto naming simple pero si Nash grabe! Gusto lagging sosyal! Mayaman kasi sya eh.. Mayaman din naman kami ni Joyce pero hindi talaga namin bet yang mga ganyang bagay… Si Nash mahilig sa mga sosyal na bagya at pagkain lang pero pag sa fresh fruits, yung ikaw mismo pipitas game yan!

Actually si Nash nga yung may kasalanan kung bakit muntik na kaming ma dead eh!

Isang beses kasi, nagpunta kami dun sa puno ng mangga ni mang Ernesto tapos pumitas kami ng pumitas ng mangga dun! Ang sarap nga ng kain namin kaya nga lang nakita kami ni mang Ernesto at hinabol kami ng itak! Grabe! Si Joyce umiiyak na habang tumatakbo tapos kami naman ni bro nash eh tinatawanan lang sya, tumaktakbo rin kami, syempre.

Pare parehas lang naman kamin ng school na pinapasukan. Sa Victory University. Sana nga mag kakaklase kami eh… heheh.

Ayy.. Oo nga pala, bago ko makalimutan si Joyce nga pala eh bestfriend kong babae si  nash naman yung lalake.

Si Joyce, sya yung tipo ng babaeng walang arte… Simple lang parang ako… Hindi nag ma-make up, pulbos lang. Morena beauty, masayang kasama, nakakatawa yung tawa, hindi uso sakanya yung crush crush, makulet, Chinita, ang height eh mga 5’2, cute, lagi kang makakarinig ng eeww! Yuck! OMG! Oh my gosh! Punyatera! Landutay! Malanditera! Pero hindi sya maarte. Mukang mataray, lagi kang pinagtatanggol, nakikipag away sa kaaway mo, sweet, parang lalake kumilos pero hindi tibo! Mahilig mang asar, medyo selosa.

Let me just say… She’s a perfect example of a girl bestfriend….

Alam ni Joyce lahat ng sikreto ko… Si bro nash naman hindi lahat… Kasi hindi lahat ng sikreto ko pwede nyang malaman…. Alam nga ni Joyce na simula nung 9 years old palang kami may gusto na ko kay bro eh..

***

Nag-flash lahat sa isip ko yung mga katatawanang nangyari saming tatlo nung bata pa kami… To many to mention eh kaya di ko masasabi sainyo! Haha! Magisip na lang kayo ng nakakatawang nangyari sa buhay nyo para matawa din kayo!

“Bwahahaha!” di ko na talaga napigilan yung tawa ko! Memories kasi eh… “Hala! Natanga, baliw!” sabi ni Joyce. Grabe naman tong si Joyce! Haha! “Bro! Ano bang nagyayari sayo?! Kanina pa lumilipad yang utak mo!” sabi ni bro-wie baybie! (si bro nash) Enebeyen! Napahiya nanaman ako kay bro! Hayst!

“Ah.. Sorry.. nasan na ba yung topic? Hehe.” Sabi ko wala na kong masabi eh.. “Hay nako bro, wala na! Tapos na.. uuwi na nga kami ni joyce eh…”

You Got Me. (JaiLene and NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon