Chapter 25

908 25 11
                                    

Chapter 25

Sharlene’s POV

Alam nyo yung feeling na nasasanay na kayo sa isang bagay o pangyayari dahil lagi itong nanjan o laging nangyayaring yun? Ganung ganun kase yung nararamdaman ko ngayon… Lagi kaming nagaaway dahil sa maliit na bagay tapos iiyak ako tapos hahabulin ko sya. Kahit hindi ako yung may kasalanan, ako na yung nagsosorry. Binababaan ko na yung pride ko para sakanya dahil ayo ko syang mawala sakin kasi nga sobrang mahl ko sya. Gusto nyo bang malaman yung cycle namin ni Jairus sa isang buong araw? Ganto: Lokohan – Harutan – Kwentuhan – May mapapansin si Jairus na napaka liit na bagay – Aawayin nya ako dahil doon – Iiyak ako – Hahabulin ko sya at ako na yung magsosorry – Hindi nya tatanggapin sorry ko – Kukulitin ko sya tapos mag babati na kami – Repeat. Ganyan lang naman yung cycle namin. Hindi na nga kami sweet eh… Sobrang cold nya na, ginagawa nya na kong alila. Pero ayos lang yun sakin kasi mahal ko sya eh...

Andito ako sa garden namin. Alam nyo na… Nag mumunimuni.

“Hoy! Kanina pa kita hinihintay dun sa kwarto mo! Sabi mo sakin mag c-C.R. kalang tapos di ka na bumalik…” sabi ni Nash. Hindi ko sya pinansin. Hindi ko nga sya kinakausap kanina pa eh… Magkaaway kasi kami ni Jai kaya wala ako sa mood. Nakatingin lang ako sa malayo.

Tinabihan ako ni Nash. Naka Indian seat lang kasi ako sa damuhan tapos na ka pangalumbaba. Pagkatapos ng ilang minutes nag salita na ako. Hay nako! Buti pa tong si Nash! Kapag malungkot ako, pinipilit akong patawanin. Pagwala ako sa mood, sasamahan nya lang ako. Kahit paulit ulit na yung rason kung bakit ako nalulungkot hindi pa rin sya nagsasawang makinig. Minsan nga iniisip ko, panu kaya kung si Nash yung boyfriend ko? Mararanasan ko kaya tong nararanasan ko kay Jairus? Masasaktan kaya ako ng ganto? At eto pa ang pinaka malaking tanong na halos lagi kong naiisip! Naka move on na kaya talaga ako kay Nash? Kasi kung naka move on na talaga ako sakanya, bakit ako nag sulat ng letter para sakanya? Yung letter na inipit ko pa sa dairy ko na kasalukuyang nawawala. Bakit nagustuhan kong si Nash yung unang nagging first kiss ko? Kahit ba medyo na awkwardan ako, bakit hindi ako nagalit sakanya. Bakit nagustuhan ko din yung pag hoholding hands namin nung isang araw?

 

“Nash, marunong ka bang mag opera?” sabi ko nang hindi tumitingin kay Nash at monotone ang boses.

“Ano ba yang pinagsasasabi mo? Wala ka nanaman sa sarili… Atsaka bakit ba ako mag oopera?” sabi ni Nash.

“Para paltan yung puso ko… May pagkatanga kasi eh…” sabi k okay Nash. Tumingin ako kay Nash at halatang nagging seryoso yung facial expression nya. Inaamin ko naman sa sarili ko na tanga ako dahil kay Jairus eh…

“Diba sabi ko sayo dati masama ang sobra. Dapat kasi pagnagmahal ka, mahal lang! Hindi sobrang mahal! Para pag nasaktan ka, masit lang. Hindi sobrang sakit.” Sabi ni Nash.

“Eh bakit ikaw? Hindi ka ba nagmahal ng sobra?” tanong ko sakanya.

“Yung nga yung mali ko eh… Minahal kita ng sobra, kaya ngayon sobra din akong nasasaktan” bulong ni Nash. Akala nya di ko narinig ah…

Hindi na lang kami nagsalita. Ngumiti nalang ako sakanya tapos lumapit ako saknya at pinatong ko yung ulo ko sa balita nya. Nagyaya si Nash na pumunta ng park para bumili kami ng ice cream para naman daw medyo mawala yung lungkot ko.

You Got Me. (JaiLene and NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon