Note ni Miss Otor
Medyo nag seselos na si Nash... Tingnan nyo yung pic sa side.. Uhhh... :'(
Chapter 8
Jairus’s POV
Nag lalakad na ako papuntang bahay ni joyce ngayon, susunduin kasi namin si Shar para sa pag de-decorate. Balita ko kasama din daw si mika sa pag de-decorate para sa aquintance.. Hahah! It’s Showtimeee!!!! >:D
*Ding Dong* *Ding Dong*
Nag doorbell na ako sa gate nina joyce tapos lumabas yung mama nya.
“Oh Jairus! Pasok ka.. Intayin mo na si joyce, matatapos na nanaman sya eh.. May ipagbibilin din ako sayo. Lika pasok ka sa bahay namin..” ano kaya yung ipagbibilin ni tita? Shemay, baka akala nya si joyce ang liligawan ko…
“Sige po tita.. *smile*” sabi ko na lang tapos pumasok na ako sa bahay nila… 9 am pa naman kami magdedecorate, 6:30 am pa lang naman pero maaga kaming aalis ngayon kasi gagala pa kami at mag papakasaya para later hindi na masyadong masakatan si shar if ever Makita nya sina nash at alexa na sobrang sweet..
Nasa sala na kami ni tita ngayon, si joyce naman nasa kwarto nya… nag aayos na.
“Jai, may Ipagbibilin ako sayo..” kinakabahan ako…
“Ano p-po yun tita?”
“Gusto ko lang sana ipagbilin sayo ang anak kong si joyce… May naliligaw kasi sakanya, si Harvey. Eh gusto ko kasing masigurado na walang gagawing masama yung lalaki kay joyce kaya pwede bang bantay bantayan mo si joyce?” ahh si Harvey! Yung kaklase naming medyo gwapo pero sweet sa lahat ng girls… Sus yun lang naman pala eh..
“Ah sige po tita!”
“Salamat ha! Muka na mang matino yung lalaki kay pumayag na din ako sa disisyon ng anak kong magpaligaw pero bantay bantayan mo din ah..”
“Opo. *big smile*” sabi ko. Joyce ah! May tinatago ka rin pala.. hahah! Asarin ko nga to mamaya! >:D
“Ma, alis na po kami ni jairus. Pupunta pa po kami kayna bes eh.. Bye po. *kiss sa cheeks*” sabi ni joyce.
“Osige ingat kayo… *wave ng kamay*”
“Bye po tita.” Sabi ko.
Naglalakad na kami ni joyce papuntang bahay ni shar. Ay teka, aasarin ko panga pala to..
Joyce’s POV
Mamaya sasabihin ko kayna jai at bes na nililigawan na ako ni Harvey.. :”) First day pa lang crush ko na yun eh.. Pano ba naman, sobrang gwapo at sweet pa! Lagi ngayong pumipiick up sakin ehh.. :”))
Nasa harap na kami ng bahay ni bes ngayon…
“Bes!” sabi ko.
“Shar! SHAAR! Nandyan ka ba?” sabi ni jai.
“BEEEES! LABAS KA NA JAN! ALIS NA TAYO!! Hehehe.” Lakas ng trip naming noh? Imbis na mag doorbell sumigaw na lang ng sumigaw sa harap ng bahay nila.. XD