Tula kay Nene VII
-
Nang si Nene'y tumuntong sa kolehiyo,
Astang mayaman, nakisabay sa uso
"Inay, dagdagan n'yo naman ang baon ko,
Kulang na kulang ang dalawampung piso".
-
Itong si Nene, natutong maglakwatsa;
Sumunod sa udyok ng mga barkada
Sa halip na ang tungo ay sa eskwela,
Ay gumala sa mall, tumambay sa plaza.
-
Ang diretso'y sa boarding house ng kaklase,
Kasama'y mga kaibigang babae
Natutong uminom, tumungga ng alak,
Masaya't laging may tawa at halakhak.
-
At kapag wala ng laman kan'yang bulsa,
Tatawag sa Inay, "wala na 'kong pera,
Penge ng allowance, ika'y magpadala,
Pakibilisan po, kailangan ko na".
-
Pambayad daw sa tuition fee ngunit 'di pala,
Ang pinagpawisa'y sa iba napunta,
Sa halip na ibayad sa matrikula
Ay sa pagbubulakbol n'ya iginasta.
-
(Ang mga magulang mo ay naghihirap,
Nariyan ang t'yaga at pagsusumikap,
Ang magandang buhay kanilang pangarap;
Ang maayos na bukas at hinaharap.)
-
Kinain ng sistema't naging mayabang,
Ang pagod ng magulang, balewala lang
Itong si Nene, nawalan na ng galang;
Katulong ang trato sa kan'yang magulang.
-
Ikinahihiya pang ipakilala,
Sa halip na ipagmalaki n'ya siya
Ay ipinagtabuyan sa harap nila;
Itinatanggi na s'ya ang kan'yang ina.
-
Nasa'n Nene ang 'yong pagpapahalaga?
'Yan ba ang sinabi mong mahal mo sila?
Ang puso nila ay iyong dinudurog,
Imbis na makaahon, lalong lumubog.
-
-
© MACA.T.A.
# 1, 481
7 July 2016
5:54 p.m.
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoetryAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...