Baluktot
-
At sa sabi-sabi siya ay nakinig
Uhaw na isipa'y tuluyang nalinlang
Sa maling konsepto ang puso'y sumandig;
Agad naniwala pagkat isang mangmang,
Lihis na ideya ang bigkas ng bibig
Sarado ang tenga at puno ng yabang.
-
Nagsalita siya at di nagpadaig
Ngunit kaalaman niya'y sadyang kulang,
Walang karunungan na mismong didilig
Sa pusong bato at kokoteng tigang.
Sila itong taong diskusyon ang hilig
At kahit baluktot ay ubod ng tapang.
-
Ipaliwanag man lahat nang malinaw,
Hindi parin sapat ang lahat ng iyon
Pagkat kadiliman ang kanilang tanglaw,
At ang sinusunod linsad na emosyon.
Kaya ang nangyari, sila ay naligaw;
Sarili'y lumakad sa maling direksyon.
-
Kanilang mga mata'y di parin napukaw,
Sila'y nagpadaya, isipa'y nilamon
At nagpasakop nga sa dyablong halimaw:
Bulok na sistema, puno ng kurapsyon.
Sila daw ang tama, lagi nilang sigaw,
Lumikha ng gulo ang kanilang layon.
-
-
© MACA.T.A.
# 1,443
2 June 2016
4:31 p.m.(Tugmaang Sestet)
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoetryAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...