Loob
-
Kapag ika'y iibig, mag-ingat sa pagpili;
Madaling mahumaling sa mapupulang labi
Sa kagandahang taglay, mabilis mabighani
Kung itsura'y titingnan, tiyak magkakamali,
Ang dapat siyasatin ay ang kan'yang ugali.
-
Suriin mo ang loob at hindi ang panlabas,
Salitang matatamis, dagliang nabibigkas
At kapagka ang wangis ng dyosa ay namalas,
Nalilinlang ang isip, ang mata'y 'di maiwas,
Wala sa kagandahan ang pag-ibig na wagas!
-
-
© MACA.T.A.
# 1,454
8 June 2016
12:58 p.m.
-
(Micropoetry: Quintains)
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoetryAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...