Pagtitimpi
-
Malamig man ang tubig, ito'y kumukulo din
Hindi laging panatag at banayad ang daloy,
Hindi laging payapa at tahimik ang agos,
Tulad ng pang-unawa minsan ring nauubos
Napuputol ang pisi, nagngangalit ang apoy,
Nabubuo ang galit, may sigaw sa damdamin.
-
Sa dibdib ay may boses na nais magsalita,
Madalas isang pipi at ang bibig ay tikom
Pero pagpapasensya tanging pinaiiral
At nananaig parin wagas na pagmamahal,
Malalim man ang sugat, unti-unting hihilom;
Bagaman nagdurugo at nasaktan nang lubha.
-
Malamig man ang tubig, ito'y kumukulo din
Liwanag ng bombilya lumalabo sa pundi,
At ang pagpapatawad ay di laging sagana,
Ang sobra nga ay sobra at ito ay masama,
Minsan kahit malawak ang 'yong pag-iintindi,
Ito ay kumikitid at di kayang pigilin.
-
-
© MACA.T.A.
# 1,432
21 May 2016
4:57 p.m.(Tugmaang Sestet)
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoetryAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...