Mabuti may Tula
-
Araw-araw nalang akong nalulungkot,
Lagi ngang tahimik at nakasimangot
Sa katotohana'y laging kumukubli;
Sa likod ng ngiti'y lumbay ang sarili.
-
Walang kasiyahan akong nadarama,
Tanging kalungkutan ang aking kasama
Mas masaya pa nga sigurong mamatay,
May aawit sa 'yo, mayroong dadamay.
-
Mabuti may Tula na s'yang aking Lakas
Bagaman pighati'y aking dinaranas.
Kahit papaano'y unting napapawi;
Medyo gumagaan ang sakit at hapdi.
-
Ang sarili ko nga'y tanging kaibigan,
Pagkat walang lilom na masisilungan
At tanging ako lang, wala na ngang iba
Mabuti may Tula, salamat sa Kan'ya.
-
-
© MACA.T.A.
# 1,449
6 June 2016
12:40 p.m.
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
ŞiirAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...