Titik
-
Sa bawat pagpatak nitong aking tinta,
Bahagi ng puso'y aking inilakip
Ikaw, mambabasa laging nasa isip
Ikaw ang dahilan ng aking pagkatha.
At kung nagkamali sa wika at tugma,
Patawad ang hiling, 'di ko sinasadya.
-
Salamat sa iyo, sa pagbigay pansin
Bagaman ang tula'y ganap na mapangit,
Pinuri mo parin at hindi nilait,
Muli ang hingi ko ay 'sang paumanhin.
Ngunit sana naman ay iyong isipin,
Ang asam ko lamang ika'y pasiyahin.
-
Ako'y nagpupuyat sa aking pagsulat,
Pagiging makata'y hindi ko pinili
Kusang dumadampi ang tula sa labi,
Diwa'y nagigising, mata'y namumulat,
May bulong sa dibdib, ibig isambulat,
Kaya't sa pagdinig, maraming salamat.
-
Ano ba ang silbi nitong mga titik
Kung tulad ng ilog na di dumadaloy,
Kung tulad ng pugon walang likhang apoy,
Kung tulad ng pusong hindi nasasabik,
Kung tulad ng labing hindi humahalik,
Kung tulad ng leong walang angking bagsik?
-
-
© MACA.T.A.
# 1,448
6 June 2016
8:42 a.m.
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoetryAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...