Ang Hambog

2 0 2
                                    


  Ang Hambog
-
At inakala ko na ako ay tama,
Na aking talino ang mamumutawi;
Sa sariling dunong ako'y nagtiwala
Laging kahambugan ang bigkas ng labi.
-
Hangad ay papuri, palakpak ng madla
Gutom sa atensyon, uhaw sa parangal
Nasang bigyang puna ang bawat kong gawa;
Ang pagiging tanyag labis kong minahal.
-
Lubha ngang mataas talsik nitong ihi,
Yaong aking paa, aking inaangat
Hindi tumatanggap ng pagkakamali;
Pilit tinutuwid baluktot mang lahat.
-
Sa sariling boses tanging nakikinig,
Ang tenga'y sarado sa wika ng iba
At ang mismong laman nitong aking bibig:
Salitang maanghang at kung minsa'y mura.
-
Aking minaliit at nilait sila,
Lumutang nga ako't matayog ang lipad
Sa huli'y naisip, ako'y mali pala
Isang pagkabagsak ang sa 'ki'y bumungad.
-
Ako'y sinalubong ng tawa't halakhak
Pagkat sa kumunoy ng sobrang paghangad,
Ako ay nahulog, tuluyang bumagsak;
Di na makaahon, di na makasikad.
-
-
© MACA.T.A.
# 1,435
25 May 2016
7:08 a.m.  

Verses: The Mirror of My SoulDonde viven las historias. Descúbrelo ahora