Tula kay Nene VI
-
Pagmulat ng mata'y selpon na ang hanap,
Umagang umaga'y agad may kausap
Ito ngang si Nene, iba ang atupag;
Hindi pa naligpit ang mga nilatag.
-
Nalimutan yata magbigay salamat,
Panibagong araw na muling sumikat
Bakit di pumikit, sandaling lumuhod,
Manalangin sa Diyos, magbigay lugod?
-
Kailan ka ba matututong magdasal,
Kapag huling araw mo na ang dumatal?
Ikaw ay mapalad mayroon kang buhay,
Ang iyong sarili, sa Diyos ay ialay.
-
Ang bawat umaga ay isang biyaya,
Bawat paggising mo'y isang pagpapala
Ngunit bakit selpon ang 'yong inuuna,
Hindi ba sa lahat, Diyos ang mahalaga?
-
Gumising ka Nene! Magpuri ang labi,
Ibalik sa Taas ang buong l'walhati
At magpasalamat sa araw na laan,
Nene, gawin mo sanang makabuluhan!
-
-
© MACA.T.A.
# 1, 476
3 July 2016
7:15 a.m.
ESTÁS LEYENDO
Verses: The Mirror of My Soul
PoésieAll of these poems are written by me. I write in both English and Tagalog languages. I started writing when I was in high school. I found myself falling in love with poetry and reading verses gives me a ton of delight. I study poetry seriously both...