Chapter 21

7.3K 154 4
                                    

Chapter 21

Oh gurl, ano na? Wala pa ba si sir?

Sambit ni Karen na lumapit kay Rebecca na kaka-off lang ng hawak na celphone.

Hi sir Dave, morning po.

Sambit pa niya kay Dave na nakatalikod kay Rebecca. Na tumango naman ang binata sa pagbati ng dalagang kaibigan ni Rebecca.

Paparating na daw sissy.

Sagot ni Rebecca sa kaibigan at binalingan ang binata.

Im sorry Dave. Pero sasabay muna ako kay sir Enrique dahil may pag uusapan pa kami tungkol sa gaganapin sa party mamaya. Im really sorry talaga.

Pagsisinungaling ni Rebecca sa binata at humingi na rin ng pasinsya dito na di niya masasamahan.

Oh, I see. It's okay, susundan ko nalang ang bus.

Sagot naman ng binata.

Bakit sir?
Di kaba sasakay sa bus?

Nagtatakang tanong naman ni karen sa binata.

Dadalhin niya kasi yung kotse niya sissy, at sabay sana kaming pupuntang Subic. Kaya lang napatawag si sir De Silva na sasabay daw ako sa kanya dahil meron pa kaming pag uusapan regarding sa magaganap na party mamaya.

Agaw na sagot naman ni Rebecca sa kaibigan.

Sissy, baka kung pwede, pakisamahan mo na si Dave sa kotse niya. Sabay nalang kaya kayong pumunta sa Subic. Malayo pa naman ang byahe. Tiyak na mabobored si
Dave pag walang kausap.

Dagdag pa ni Rebecca sa kaibigan.

Ay, no problem sa akin yan gurl. Ang problema dyan ay kay sir Dave kung papayag ba siyang sasamahan ko siya sa biyaheng langit. Ay este biyaheng Subic pala.

Birong sagot ni Rebecca na napatingin kay Dave.

Natawa naman ang binata at si Rebecca sa sagot ng dalaga.

Yeah sure. Bakit hindi?

Sagot naman ng natatawang binata.

Sir, kung gusto niyo na mas lalong masaya ang biyahe, bakit di nalang natin isabay sina Michelle at Rufino? tapos partner tayo, partner din sina Michelle at Rufino. Foursome tayo. Im sure mag eenjoy pa kayo sa biyahe. Kasi pag marami, mas masaya. Oh diba?

Saad ulit ni Karen na mas lalong natawa.

Hoy, lukaret ka talaga. Umayos ka nga!

Natatawa ring sambit ni Rebecca sa kaibigang si Karen.

okay lang. No problem.

Natatawa ding sagot ni Dave sa dalaga.

Eksaktong alas 7:00 am ay nakaalis na ang dalawang bus, kotse ni Dave at kotse ni Enrique patungong Subic. Kasabay ni Dave sa kotse nito ang magkasintahang Michelle at Rufino na nakaupo sa likurang upuan ng kotse nito at sa harap naman si Karen na panay ang kwento sa binata.

Samantalang nakasunod naman sa bus ang kotse ni Enrique kasama ang nobyang si Rebecca.

Happy birthday ulit, Palangga.
Sorry ha? Late ko ng maibibigay ang regalo ko sayo.

Lambing na bati ni Rebecca sa binatang nagmamaneho.

Nakangiti namang binalingan ng tingin ni Enrique ang kasintahan at ginagap ang kaliwang kamay nito at dinala sa labi.

Thank you, Palangga.

Sagot ng binatang nag niningning ang mga mata.

Thank you, so much for making my dreams come true. Simula pa noon, ikaw na ang pinapangarap kong makasama. Hindi lang sa ngayon, o hanggang bukas. Gusto kong makasama ka habam-buhay. And this is the happiest birthday I ever had in my whole life. Dahil ang makakasama ka, at mahalin ka, ay napakalaking regalo na para sa akin.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon