Now I Found You
By: CatchMeChapter 40
Mas lalong nagkagulo ang mga tao ng umalingawngaw ang sunod sunod na putok mula sa mga pulis. Ngunit lumaban din ang kasamahan ni Mr Salazar kung kayat napilitan ang mga pulis na barilin ang mga kasama nitong lumaban sa kanila. Hanggang sa sabay na natumba ang dalawang lalaking kasamahan ni Mr Salazar.
Mabilis na nakalapit ang mga pulis kay Mr Salazar na hindi nagawang kumilos sa bilis ng pangyayari habang patuloy sa pagsisigaw ang asawa nitong si Menchie. Kinuha ng pulis ang hawak nitong baril at ipinosas ang kamay. Nakalapit na rin si Alora sa asawang si Anthony na yakap-yakap nito dahil sa takot. Samantalang nilapitan naman ng iba pang pulis ang dalawang kasamahan nitong tinamaan ng baril."Sir, buhay pa po itong dalawa.!" saad ng isang pulis nang magsilapitan ang mga doctors at nurses na tumulong sa dalawang tinamaan. Isinugod agad ang mga ito sa emergency room, habang inakay naman si Mr. Salazar ng mga pulis para dalhin sa patrol na nasa labas ng hospital.
"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan Mr Salazar! Napakahayop mo talaga para gawin sa amin ito." sambit ni Enrique na tinitigan ng matalim ang utak ng kaguluhan sa kanilang pamilya. Hindi naman nakasagot ang kanyang ninong dito at nakayuko ang ulong sumunod sa pulis.Biglang Napapitlag si Enrique ng gumalaw ang asawang si Rebecca. Mag aapat na araw na itong nasa hospital at ngayon lang nagising.
"Palangga..?" mahinang bulong ni Enrique sa asawang hawak-hawak ang kamay nito. Pilit na iminulat ni Rebecca ang mga mata ng salubungin siya ng nakakasilaw na liwanag kaya't muli siyang pumikit at hinihila nanaman siya ng antok at muling nakatulog.
"Palangga, are you okay?" nag alalang tanong ni Enrique dito, ngunit hindi na dumilat at gumalaw ang asawa. Mabilis siyang lumapit sa intercom at tumawag sa nurse station na agad namang pumunta sa nakalaang kwarto ni Rebecca.
Ni-check nito ang pasyente at tiningnan ang nakasabit na dextrose at may isinulat sa hawak na record ni Rebecca.
"Dr Suarez will be here in 15 minutes sir. Natawagan ko na po siyang nagising na ang pasyente." baling ng nurse kay Enrique. Yumuko lamang si Enrique at nagpasalamat sa nurse at lumabas na ito. Muli niyang hinaplos ang kamay ng asawa ng mapag isa na lamang sa kwarto ng asawa."Well, maganda ang respond ng pasyente Mr De Silva. You dont have to be worry dahil natural lang na makatulog agad ang pasyente dahil sa epekto ng gamot. But after a few hours, magigising din siya muli." nakangiting sambit ni Dr Suarez kay Enrique. Nakahinga naman ng maluwag si Enrique ng marinig na ligtas na ang asawa. Ngunit gumuhit nanaman ang pag alala sa kanyang puso nang maalala ang anak na nasa sinapupunan ng asawa.
"How about the baby doc?okay ba siya? Makakaligtas ba ang anak namin?" nag alalang sunod sunod na tanong ni Enrique dito. Lumungkot naman ang mukha ng doctor na napabuntong hininga at hinawakan siya sa balikat.
"Im sorry hijo, but still, I cant assured you for that. Coz anytime ay pwedeng mag bleeding ang pasyente, dahil sa gamot na ginamit namin sa kanya. We have no choice to save the baby. Dahil kailangang mailigtas ang ina, pero mawawala ang bata. This is the consequence to let your wife alive." malungkot na sagot ng doctor. Muling nangilid ang luha ni Enrique na hindi na nahiyang itago sa doctor ang sakit na nararamdaman.
"Im really sorry hijo. We have no choice." muling sambit nito na ikinayuko ng ulo ni Enrique. Nagpasalamat na lamang siya sa doctor na nagpaalam nang may be-besitahin pang ibang pasyente.
"Palangga...
Im sorry.. Im really really sorry.." naluluhang sambit ni Enrique na hinahagod ang buhok ng asawa. Inilapit niya ang ulo sa tabi ng asawa at nakatulug na itong may luha sa mga mata.Dahan-dahang iminulat ni Rebecca ang mga mata. Medyo sinasanay pa muna niya ang paningin dahil nasisilaw siya sa liwanag na nagmumula sa glass na bintana. Nang maayos na ang kanyang paningin ay inikot niya mga mata sa loob ng isang kwarto na napinturahan ng kulay puti. Nakikita niya ang oxygen tank na nasa tabi ng kanyang kama at maraming nakakabit na tubo sa kanya. Sa kanyang tabi ay nakita niya ang asawang nakaupo sa silya na nakasubsub ang ulo sa kama sa kanyang tabi na hawak hawak ang kanyang kaliwang kamay. Dahan dahan niyang itinaas ang kamay at hinaplos ang buhok ng asawa. Nagising naman si Enrique nang maramdamang may humaplos sa kanyang buhok at sinalubong siya ng pilit na ngumingiti ang asawang si Rebecca sa kanya.
"P-palangga.! Are you okay?" nag alalang tanong niya dito na hinaplos ang pisngi nito. Lalo pang napangiti si Rebecca sa asawa bilang sagot dito na okay na siya. Niyakap naman siya ni Enrique na naluluha nanaman dahil sa kaligayahan.
"Palangga, I love you." naluluhang bulong niya dito habang yakap-yakap pa rin ang asawa.
"I-i l-love you more p-palangga." nakangiting sagot ni Rebecca kahit mahina ang boses nito.
"Sshhhh, please dont talk. Baka makakasama sayo palangga. Magpapahinga ka nalang muna." muling sambit ni Enrique na pinigilan sa pagsasalita ang asawa.
"I-im okay, h-huwag ka nang mag alala." sagot naman ni Rebecca sa nag alalang asawa na muling yumakap sa kanya.
"P-palangga..
S-si Mr Salazar--Sshhh, okay na ang lahat palangga. Nahuli na siya at nasa kulungan na ngayon. Thank you so much at nairecord mo ang lahat ng usapan nila. At ngayon ay matatahimik na tayo." saad ni Enrique na inagaw ang sasabihin pa sana ng asawa.
"Palangga, thank you so much for saving my life, pero sana hindi mo ginawa yun. Sana hindi mo dinaranas ang lahat ng ito ngayon. You scared me that much na hal0s mamatay na ako sa takot dahil sa nangyari sayo at---
P-palangga, I-im not afraid of dying, but Im afraid of loosing you. T-that why, I cover myself for you because I love you..
I-i love you that much palangga, kahit buhay ko ibibigay ko para sayo." mahina at naluluhang sambit ni Rebecca sa asawa na naluluha rin at di na natapos ang sasabihin dahil inunahan na niya ito.
"P-palangga.." wala nang masabi si Enrique dahil napahagulgul na ito na niyakap ang asawang naiiyak din.
"You dont know how much I love you Palangga, and how lucky i am for having you in my life. Your my angel, who's saved me from danger.." madamdaming saad ni Enrique na yakap-yakap ang asawa habang kapwa silang lumuluha."But, Palangga..
Im really sorry..
Im really really sorry.." muling sambit ni Enrique na ikinulong ang mukha ng asawa gamit ang dalawang kamay na lumuluha pa rin. Napailing naman si Rebecca sa asawa.
"Im sorry, dahil sa akin...
..you loose our baby.." Nahihirapang wika ni Enrique na sinisisi ang sarili.
"No, Palangga." nakangiting sagot ni Rebecca sa asawa.
"Mabubuhay ang baby natin. Mabubuhay siya." naiiyak na ngumingiti si Rebecca sa asawang si Enrique na naguguluhang nakatingin sa kanyang mga mata.
"W-what do you mean palangga?" nakakunot noong tanong ni Enrique na may luha pa rin sa mata.
"Our son is alive. I mean, mabubuhay siya. Believe me palangga. Mabubuhay ang anak natin at lalaki siya. Kamukhang kamukha mo palangga. Kamukha mo ang anak natin." naiiyak pa ring sagot ni Rebecca dahil sa kaligayahan.
"Palangga, that's imposible." wika naman ni Enrique na hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa.
"Yes, its true palangga. Coz he's the reason why I keep trying to live. Coz he stopped me para huwag sumama kina mama at papa. Im already dead palangga.. Im already dead, and ready to go with my parent. But our son's stop me para magpaiwan at balikan kayong dalawa.." sagot ni Rebecca na hindi maipaliwanag ang kasayahang nadarama. Hindi naman makapaniwala si Enrique. He embrace his wife and kissed her on her lips while they both had tears on their faces.Yes, they both had tears.
Tears of joy for having a second life for Rebecca and for thier baby.
BINABASA MO ANG
Now I Found You (Complete)
RomanceIto ang aking kauna-unahang isinulat. At aminado akong marami akong mali dito, lalo na sa SPELLING GRAMMAR at marami pang iba. Hahahahahaha. Nakakahiya nga, eh, pero kinapalan ko na ang aking MUKHA na ipost sa WATTPAD para KUNYARI may STORY din ako...