Chapter 32

7K 120 0
                                    

Chapter 32

Yes, Enrico.

Sagot ng dalaga na napataas ang tingin sa asawa at muling pinunasan ang mukha.

Siguro masyado na akong nagpadala sa damdamin ko. Kayat Hindi na ako nakapag isip ng maayos. Basta basta nalang akong nagdedesisyon ng hindi ko na pinag iisipan ng mabuti, na marami pa pala ang dapat alamin sa isang bagay bago pasukin.

Saad ni Rebecca na muling napayuko at hawak pa rin ang kaniyang wedding ring.

Gusto ko munang magkaruon ng peace of mind. Para hanapin ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Gusto ko ring alamin kung tama ang ginawa kong pagpapakasal sayo ng hindi nag iisip.

Muling patuloy ni Rebecca sa sinasabi sa asawa. Ngunit hindi pa rin inabot ni Enrique ang inilahad na singsing ng asawa. Kayat muling tiningnan ni Rebecca sa mata ang asawa at nagulat siya ng makitang may luhang namalisbis sa mukha nito.

Rebecca..
Inaamin ko namang kasalanan ko ang lahat. Na mali ang ginawa ko, pero sana intindihin mo naman ako. Dahil ginawa ko lang ang bagay na yun dahil mahal kita.
Mahal na mahal kita Rebecca.

Saad naman ng binatang hindi na itinago ang pagtulo ng luha sa harap ng asawa.

Hindi naman nakapagsalita si Rebecca habang sunod sunod ang pagpatak ng kanyang luha. Dahil sa naninikip ang dibdib niya sa nakikitang paghihirap din ng asawa sa kanilang sitwasyon.

Enrico..
Mahal naman talaga kita, pero..

Sambit ng dalaga sa asawa na ibinaba ang hawak na singsing.

Gusto ko lang munang lumayo, mag isa at bigyan ng katahimikan muna ang utak ko--

Rebecca, bakit kailangan mo pang lumayo?

Agaw naman ni Enrique sa mga sinasabi ng asawa.

Bakit kailangan mo pang lumayo at iwanan ako dito?
Bakit mo pilit inilalayo ang sarili mo?
Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan pag napalayo ka sa akin? Dalawang araw lang na hindi kita nakita para na akong mababaliw dahil sayo.. How much more pa kung aalis ka? At walang kasigurohan ang pagbalik mo, o babalik ka pa kaya? Babalikan mo pa kaya ako Rebecca?

Maemosyong sambit ni Enrique sa asawang lumuluhang tulad niya.

Enrico--

Palangga, kailangan kita.

Sambit ulit ni Enrique na naluluha pa rin.

Kailangan kita sa tabi ko, dahil ikaw lang ang lahat para sa akin, at hindi ko kayang mapalayo ka palangga..
Hindi ko kaya and Im begging you please dont leave. Stay with me palangga, please stay with me coz I need you.

Dagdag pa na sambit ni Enrique at biglang napaluhod sa harap ng asawa.

Napahagulgol naman si Rebecca sa sinabi at ginawa ng asawa na pagluhod sa kanyang harapan and in one second she embrace him so tight and realize how she love this man.

I-im sorry palangga..

Nangingig ang boses na sambit ni Rebecca while she cant help her self to cry out loud.

Im so sorry..

Muling sambit niya sa asawa na gumanti ng mas mahigpit na yakap sa kanya ng pareho na silang nakaluhod sa sahig ng opisina nito.

Palangga, I love you so much, alam mo naman yun diba? And I cant live without you by my side coz you are my life palangga.

Muling sambit ni Enrique sa asawang nakaluhod na ring kayakap siya habang umiiyak ding tulad niya.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon