Chapter 9

9.3K 163 4
                                    

Now I Found You

Chapter 9



———-

NOTE:

Gustong gusto ko pong i-edit ito, pero hindi ko kinaya, GADDDD....Parang nagsusulat lang ako ng panibagong kwento.

Ang hirap po mag edit. Ang daming oras nasasayang. Kaya, sumuko din po ako. Hahahaha.

Hindi ko na po tinapos sa pag-edit kaya sorry po.

Intindihin niyo na lang po. Kasi ito ang kauna-unang kwentong sinulat ko back in 2011 po.

At aminado akong sobrang inosenti ko po talaga hahahaha. Kaya unawain nyo na lang po ang pinagsusulat ng inosenting bata na gaya ko.

Maraming salamat po. Hahahaha

————



Mag aalas-singko na ng pinapapasok ni Enrique si Rebecca sa private room ng ama.

Yes sir?

Sambit agad ng dalaga pagkapasok sa private room ng boss niya.

Pwede bang, pakibigay yung lahat na dukomento sa accounting department?

Sagot ni Enrique sa dalaga.

Napatingin ang dalaga sa wristwatch niya. Mag aalas singko na at pinapakuha pa sa kanya ang lahat ng dokumento ng accounting department?

Teka lang ha?

Sagot na lamang niya at lumabas ng opisina.

Nakukunsinsya ang binata sa ginawa. Actually di naman niya kailangan ang mga dokumento. Pero nasabi na lamang niya iyon para hindi makaalis ang dalaga sa opisina.

Kailangang mag overtime ka Becky. Sorry, pero ayaw kong makikipag dinner ka sa iba. Kahit sa pinsan ko pa.

Sabi niya sa sarili at isinandal ang likod sa silya.

Oh, sissy?

Di kaba maghahanda?

Uwian na ah?

Diba may date ka pa?

Sunod sunod na tanong ni Michelle.

Punta muna ako sa file room. Pinapakuha kasi sakin ni Sir De Silva yung mga documents ng accounting Department.

Sagot ni Rebecca sa kaibigan.

Ha? Dami nun ah. Sasamahan na kita.

Alok ng kaibigan.

Huwag na. Kaya ko naman. Diba may date pa kayo ni Rufino?

Baka malate ka at, iwanan ka nun.

Natatawang Biro niya sa kaibagan.

Kaya mo ba talaga?

Paniniguro pa nito sa kanya.

Oo naman, ako pa?

Sabi pa ng dalaga.

Oh siya sige. Una nalang ako sayo ha?

Sambit ng kaibigan.

Sige, ingat ka ha?

Paalam din niya dito. Wala ang kaibigan nilang si Karen dahil nag half day lang ito dahil masama ang pakiramdam nito kanina. Nag beso-beso muna sila ng kaibigang si Michelle bago siya lumakad papuntang File Room ng kumpanya.

Mahigit isang oras na si Rebecca sa file room bago nakuha at naipon lahat ng documents ng Accounting Department.

Becky?

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon