Finale

2.9K 64 0
                                    

Now, I Found You
By: CatchMe

Finale

EIGHT months later.

Hindi mapakali si Enrique habang pabalik balik sa paglalakad. Nahihilo na ang kanyang magulang at kapatid sa kanya na sinusundan siya ng tingin.
"Hijo, relax. She will be alright, okay?" nakangiting sambit ng kanyang amang si Mr De Silva.
"Oo nga Enrico, kanina pa kami nahihilo sayo. Mas daig mo pa yata si Rebecca sa panganganak." natatawang saad ng ate niyang si Nicole. Natatawa naman ang kanyang mommy sa kanila.
"Dad, im scared!" kinakabahang sambit ni Enrique na patuloy pa rin sa paglalakad ng pabalik-balik.
"Naiintindihan kita hijo. Ganyan din ako noon ng manganak ang mommy mo, diba hon?" malapad ang ngiting baling ni Mr. Kevin De Silva sa asawang si Geline.
"Aba, malay ko ba. Di naman kita nakikita dahil nasa delivery room ako diba?" sagot ng mommy Geline niya dahilan ng tawanan nilang apat.

Bumukas ang pinto ng delivery room at iniluwa nito ang masayang mukha ng doctor na si Dr. Shiela De Castro na siyang Ob-gyne ng asawang si Rebecca.
"Congratulations Mr De Silva. The baby is very healthy at walang bahid ng anumang diperensya. He is a very lucky child at nailuwal siya ng maayos sa kabila ng pinagdaraan nilang mag-ina. This is really a big MIRACLE at tanging ang DIYOS na nga lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa atin. GOD is really GOOD Mr De Silva." masayang sambit nito kay Enrique na ikinalundag ni Enrique dahil sa sobrang saya.
"Yes.! Im a daddy.! Yohooo.!! Im a daddy.!" malakas na sambit ni Enrique na lumundag pa dahil sa kasayahan. Hindi na niya inalintana kung pagtitinginan man siya ng mg tao sa paligid. Basta masaya siya at gusto niyang isigaw ang kasayahang nararamdaman. Nahawa na rin ang mga nasa paligid sa kanyang kasayahan kaya natutuwa din ang mga ito para sa kanya.

"Sleep na baby ah, dito lang si daddy." naaaliw na kinakausap ni Enrique ang anak habang pinagmamasdan ito. Napangiti si Rebecca na pinagmamasdan ang asawang kinakausap ang kanilang baby.
"Kamukha mo palangga." ani niya sa asawang patuloy pa ring kinakausap ang munting anghel. Napangiting humarap si Enrique sa asawa at hinalikan sa labi.
"Thank you palangga. Thank you for giving this little angel." madamdaming sambit niya na abot sa mata ang kasayahang nadarama. Rebecca pull him and kiss him on his lips bilang sagot sa pasasalamat nito sa kanya.



P.S

Oo, short lang ito, hahaha

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon