Chapter 13

6.6K 146 2
                                    

NOTE:

Gustong gusto  tko pong i-edit ito, pero hindi ko kinaya, GADDDD....Parang nagsusulat lang ako ng panibagong kwento.

Ang hirap po mag edit. Ang daming oras nasasayang. Kaya, sumuko din  po ako. Hahahaha.

Hindi ko na po tinapos sa pag-edit kaya sorry po.

Intindihin niyo na lang po. Kasi ito ang kauna-unang kwentong sinulat ko back in 2011 po.

At aminado akong sobrang inosenti ko po talaga hahahaha. Kaya unawain nyo na lang po ang pinagsusulat ng inosenting bata na gaya ko.

Maraming salamat po. Hahahaha


-----------

Chapter 13

Tara gurl bilisan mo na. Nang makapag paganda ka ng husto sa date mo mamaya.

Sambit ni Karen sa kaibigan.

Ha?

Ah, oo nga pala. Sige, aayusin ko lang to.

Sagot ni Rebecca sa kaibigan.

Uwian na nila at nakalimutan niyang may date pala sila ni Dave. Dahil sa dami ng iniisip niya.

Becky, hatid na kita.

Alok ni Enrique sa dalagang nag aayos na para umuwi.

Napatingin naman si Rebecca sa binata.

Huwag na. Mag taxi nalang ako.

Matipid niyang sagot dito.

Becky,

Pwede bang, mag usap muna tayo?

Tanong ni Enrique kay Rebecca.

Sorry ha?

Nagmamadali kasi akong umuwi. Dahil masama ang pakiramdam ko. At gusto kong matulog ng maaga!

Sagot ulit ni Rebecca sa binata. Sabay kuha sa bag niya at umalis na kasama ang dalawang kaibigan.

Grabe ka naman sissy. Iniwan mo naman si papa Enrique. Lagi-lagi naman kayong sabay umuwi diba?

Sambit ni Michelle ng nasa elevator na silang tatlo.

Hayaan mo yun. Baka magselos pa ang honey nun pag nalamang magkasama kami at di lang 3 months worth na pagkain ipadala dito. Baka isang taong sahod ko pa ang katumbas ng isusunod niyang ipadala dito.

Sagot niya sa kaibigan.

Hmmmm, selos to the max ang bruha.

Bulong naman ni Karen kay Michelle at tumawa.

Bruhilda talaga itong si Celine no? Mahirap palang kalabanin yun. Mauubos ang yaman mo sa kanya.

Napailing namang sambit ni Michelle.

Oh, paano?

Good luck nalang sa date nyo sissy.

Sabi ni Michelle ng kanya kanya na silang sakay ng taksi.

Ngumiti lang si Rebecca bilang sagot dito.

Napalingon si Enrique ng may marinig ng pamilyar na boses na tumatawa.

Nasa isang sikat na bar siya kasama ang nobyang si Celine. Kausap nito ang dalawang kaibigang sina Cheska at Pauline.

And he was shocked ng mapagsino ang may ari ng boses.

Ang pinsan niyang si Dave at kaharap ang babaeng mahal niya na panay parin ang tawa.

Bigla siyang nakaramdan ng sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya kayang tingnan ang dalagang may kasamang iba. Kahit na pinsan pa niya.

Hindi pa rin mapigil ang pagtawa ng dalaga dahil sa joke ng binatang kaharap niya. Halos maluha luha na siya sa kakatawa.

Nang marinig niya ang malamyos na musikang kanta ng MYMP na Tamis ng Unang Halik na tuwing maririnig niya ay nanunumbalik sa kanyang isipan ang naganap na halikan sa kanila ng kaibigang si Enrico.

May I have this dance?

Tanong ng binata na nakalahad ang kamay kay Rebecca.

Napatingin naman ang dalaga sa kamay ni Dave na nakalahad at ngumiting tinanggap ito at pumunta sila sa gitna ng dancefloor na meron nang mga kaparehang nagsasayaw.

Talagang ninanamnam nang dalaga ang bawat salita sa kanta na para sa kanya ay tugma lahat sa nangyayari sa kanya ngayon.

Kailan ba yun? Kay tagal na.

Ngunit tamis, naroon pa.

Tuwing ang mata'y napipikit.

Bakit tamis kusang bumabalik?

Kukupas pa ngunit hindi,

Ang ala-ala mo ng una mong halik.

Napahilig ng dalaga ang kanyang ulo sa balikat ng binata at napabuntong hininga.

Kahit kailan, di ko talaga makakalimutan si Enrico.

Sambit niya sa kanyang sarili nang mahagip ng kanyang mga mata ang mukha ni Enrico na nakatingin sa kanya.

Si Enrico ba yung nakita ko? O namamalik mata lang ako?

Tanong niya sa sariling pinikit ulit ang mata.

Pag mulat niya ng kanyang mga mata ay wala siyang makitang mukha ni Enrico. Instead dalawang babaeng nakaharap sa dance floor at kausap ang isang babaeng nakatalikod.

Enrico..

Sambit niya sa sarili.

Nang makaupo sila ni Dave ay siya namang paalam niyang pupunta ng comfort room.

Nagpupuyos na sa sobrang galit si Enrico ng mag sayaw sina Rebecca at Dave. Gusto niyang pigilan ang mga ito pero wala siyang magawa.

Masama ang loob niyang tinitigan ang dalaga, ng isinandal nito ang ulo sa balikat ng pinsan.

Shit!

Sambit niya sa sariling gustong bawiin si Rebecca sa yakap ng pinsan. Ng biglang mapadaku ang tingin ng dalaga sa kanya at pumikit ulit ito.

He was furious sa sobrang galit at di na niya matiis na tignan pa ang dalawa kaya't nagpaalam siya sa nobya na pupuntang banyo.

Sinuntok ng binata ang pader ng banyo sa sobrang galit, ng makapasok na ito sa loob.

Rebecca,

Why are you doing this to me?

Nahahapo niyang sambit sa sarili.

Nang mahimasmasan ay tsaka pa niya inayos ang sarili at lumabas ng banyo.

Wala sa sariling naglalakad si Rebecca papuntang comfort room ng bar. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang binata. Kung bakit ba kasi siya nakaramdam ng ganito sa binata. Nasasaktan pa rin siyang isipin na may nobya na ang kaibigan.

Kahit may kasama pa siyang ibang lalaki, kung ang hinahanap naman ng kanyang isipan ay si Enrico, useless pa rin pakikipagdate niya. Mas lalo lang niyang pinapahirapan ang sarili.

Paliko na siya ng pasilyo ng magulat siya ng may biglang humawak sa kanyang braso at hinila siya palabas ng Bar.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon