Chapter 39

8K 129 0
                                    

Chapter 39

Agad niyang idinayal ang number ng kaibigang si Noel at ilang segundo lang nag ri-ring na ito. Ngunit naka ilang ring ang hawak niyang cell phone ay hindi pa rin ito sumasagot. Muli niyang idinayal ang number nito. Pero ganun pa rin at walang sumasagot sa kanya hanggang sa magsalita na ang operator sa kabilang linya.
"Busy siguro si Noel." anas niya sa sariling napabuntong hininga at ini-off ang hawak na cell phone. Maya-maya pa ay muli niyang binuksan at nagsimulang magtipa na lamang si Enrique sa kanyang cell phone at nagpadala ng mensahe sa kaibigan tungkol sa nangyari sa asawang si Rebecca.

Alas 7:00 ng umaga ay agad nailipat si Rebecca sa private room na kinuha ng asawang si Enrique. Kasama niya ang kanyang magulang na maagang dumaan sa hospital at ang kanyang ama naman ay pupunta pa ng opisina at ito muna ang pansamantalang magrereport habang nasa ospital ang kanyang asawang si Rebecca.
"She's still under observation Mr. De Silva. We will check her time to time para ma follow-up ang kanyang responds. And I suggest you na huwag iwanan ng mag isa ang pasyente. If ever na magkamalay siya, call us immediately." habilin ni Dr. Suarez kay Enrique na tinitigan ang asawang nakahiga sa hospital bed.
"Yes doc." sagot niya dito at nagpasalamat sa doctor tsaka ito lumabas ng opisina. Muli niyang tinitigan ang walang malay na asawa. Maraming tubo pa rin ang nakakabit dito habang humihinga sa pamamagitan ng oxygen. Huminga siya ng malalim at hinaplos ang buhok ng asawa. Pati ang kamay nitong may karayom ng dextrose.

"Hijo, take this. Kumain ka muna ng magkalaman ang sikmura mo." saad ng mommy niyang iniabot sa kanya ang platong may lamang pagkain.
"Mamaya nalang mom. Di pa naman ako nagugutom." malungkot na sagot niya dito ng maagaw ang kanilang atensyon nang mag ring ang cell phone ng kanyang amang si Mr Kevin De Silva. Agad namang sinagot ng ama ang tumawag sa cell pnone nito ng sabay na napatingin sila ng kanyang inang si Geline dito.
"What.!? Paano nangyari?!" malakas na sambit nito sa kausap sa cell phone. Nag tatakang nagkatinginan sila ng kanyang ina na nagtatanong ang mga mata sa isa't isa. Patuloy namang nagsasalita ang ama na panay hilot sa noo nito at galit na ini-off ang hawak na cell phone.
"Bakit dad?" nagtatakang tanong ni Enrique sa ama na nilapitan naman ng kanyang ina ang daddy niya.
"Ang suspek, patay na." sagot nito sabay pakawala ng buntong hininga.
"What?! Bakit? Paano nangyari?" biglang sagot ni Enrique at sunod sunod na nagtanong sa ama.
"Ayon sa pulis, nakita nalang nila ngayong umagang patay na ang suspek." sagot ng ama niya sa kanya.
"Ano? Paano nangyari yun dad?" muling tanong niya sa ama na hindi makapaniwala. "Na food poisoning daw hijo. Malamang daw ay nanggaling ang pagkain sa huling besita nito kagabi na nagpakilalang kaibigan umano ng suspek." saad ng amang hindi rin makapaniwala sa nabalitaan mula sa tumawag na pulis. "Paano nalang to dad? Paano natin malalaman kung sino ang salarin? Siya na lamang ang pag asa nating malaman kung sino ang mastermind ng lahat ng nangyayari sa atin. Tapos namatay pa siya. Napakatalino ng taong iyon dad, na patayin ang sariling tauhan para lang hindi siya mabisto." saad niya sa amang patuloy pa rin sa paghilot sa noo nito pati na rin sa sintido nito.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa anak. Lalabas din ang katotohanan. Andiyan pa naman ang uncle David mo, Im sure na kilala niya ang taong gustong kang ipapatay." saad naman ng mommy niyang nilapitan siya at hinahagod sa likod para huwag mabahala ang anak.
" Pero ma, sabi ng doctor matagal pang makakapagsalita si Uncle David. Dahil naapektohan ang utak niya dahil sa natamong pagkastroke." baling ni Enrique sa ina.
"Dont worry son, ipa-follow-up ko ang imbestigasyon sa resort. Baka meron pang may nakakilala o nakakita sa mga pangyayari na makakatulong sa atin."
Saad ng ama niyang napahawak sa kanyang balikat bilang pag aalo dito. Hindi alam ni Enrique kung bakit nangyayari ito sa kanila. Halos sasabog na ang kanyang ulo sa kakaisip, pero wala siyang may makuhang sagot. Ayaw man tanggapin ni Enrique ang pangyayaring patay na ang suspek na magsisilbing maging witness sa pagpapatay sa kanya ay wala na siyang magawa kundi tanggapin lamang na patay na ito. Maya-maya ay may kinausap nanaman ang ama sa cell phone nito tungkol sa imbestigasyon sa nangyaring kagulohan sa resort kung saan nabaril si Rebecca.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon