Chapter 35

6.6K 105 0
                                    

Chapter 35

God, what's going on here?

Sambit ni Rebecca sa sariling abot langit ang kaba dahil sa lalaking nakaluhod na walang iba kundi ang kanilang Vice President na si Mr. David Montero na tiyuhin ng asawa. At ang lalaking may hawak na baril ay ang head ng kanilang Accounting Department na si Mr. Eddie Salazar. Muling napaigtad si Rebecca nang malakas na sumigaw nanaman si Mr. David Montero.

Napaka walang-hiya mo talaga! Matapos kang pagkatiwalaan ni Kevin ito pa ang igaganti mo sa kanya?

Nahihirapang sambit ni Mr Montero na nakaluhod sa buhangin dahil sinipa siya ni Mr Salazar. Napadura na rin ito ng dugo dahil tumama sa kanyang mukha ang dulo ng sapatos nito.

Hahaha.!

Malakas na tawa ni Mr Salazar sa nang-uuyam na paraan.

Ganito naman talaga sa business world diba? Kailangan gamitin mo ang utak sa lahat ng bagay. Tulad ng sinabi mo sa sulat noong birthday ng Kawawa mong pamangkin. Huwag magtiwala kahit kanino?

Sambit pa nito at tumawa nanaman ng tila demonyo.

Minsan talaga ang tao kahit gaano katalino, ay nagiging bobo rin. Alam mo ba kung bakit?

Dagdag na sambit pa nito na niyuko at hinawakan sa buhok ang matandang nakaluhod sa buhangin at iniharap ang ulo nito sa kanya.

Dahil nasa harap na nila ang kalaban, ay wala pa silang kaalam-alam.

Saad nitong nakangisi kay Mr Montero.

Sino nga ba ang makapagsasabi na ako lahat ang nasa likod ng anomalya sa kumpanya?

Muling sambit nito na binitawan ang buhok ng kawawang matanda na nakaluhod sa buhangin.

Wala di ba? Dahil malinis akong magtrabaho. Pwede kung baliktarin ang pangyayari dahil pirmado mo ang mga dokumento at aprobado naman ni Kevin, ikaw ang sisihin at pagbintangan ng nagnakaw ng pera sa kumpanya, dahil pirmado mo ang mga dokumentong nagpapatibay na lumabas ang pera sa kumpanya dahil sayo.

Dagdag na sambit ni Mr. Eddie Salazar sa ama ni Dave na si Mr. David Montero.

Wala akong pinirmahan kahit isa sa mga dokumentong nagpapatibay na lumabas ang pera sa kumpanya hayop ka!

Malakas na sigaw ni David kay Eddie Salazar.

Napakawalang hiya mo talaga kahit kailan. Tama nga ang lahat ng hinala ko sayo simula pa noon. Na ikaw ang traidor sa kumpanya ng mag-asawang De Silva!

Sambit ni David na kahit nahihirapan sa sitwasyon ay pinipilit lumaban, ngunit malakas na suntok ang dumapo sa panga nito mula kay Eddie at tumawa ito na parang nababaliw.

Bravo!

Sambit ni Eddie na pinalakpakan ang kawawang si David na nakasubsob na ang ulo sa buhangin at muling tumawa.

Tama ka, at ako din ang sa likod ng death treats sa kanila noon. Dahilan ng pagkawatak-watak ng kanilang pamilya. Nang sa ganun ay mahahati ang atensyon ni Kevin sa kumpanya at sa minamahal niyang mga anak na nasa malayo. At doon ko na nagawa ang matagal ko ng plano para kunin lahat ng pera ng kumpanya ng hindi mag hihinala si kevin sa akin. Ginaya ko ang pirma mo, at ako lahat nagpirma sa mga dokumento sa paglabas ng pera sa kumpanya. Tsaka ko ibigay sa butihin mong bayaw para lagdaan din niya ang mga dukomento. Syempre, hindi na niya babasahin ang mga dokumentong iyon dahil makikita niyang pirmado mo na ang mga papales. Alam niyang pag pirmado mo ang mga dokumento ay in good hands lahat ng pupuntahan ng pera dahil pinagkakatiwalaan ka niya sa kumpanya.

Then Bingo! Pirmado na ang papeles para maglabas ng pera sa walang kadahilanan. At Syempre mailabas ko na ang pera ng walang maraming tanong sa departamento ko sa accounting dahil ako ang head at hawak ko ang mga dokumento na pirmado niyo ng iyong bayaw nang ganun kadali.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon