Chapter 11

6.6K 145 3
                                    

Pagka upo ni Rebecca sa kanyang chivel chair ay siya namang pag ring ng kanyang celphone. Kahit galit pa siya ay sinagot pa rin niya ang tumatawag sa kanya.

Hello?

Sagot niya dito.

Rebecca, musta?

Sagot naman ng nasa kabilang linya, na walang iba kundi si Dave.

Ayaw niya sanang kausapin ito. Pero nahihiya naman siyang patayin agad ang kanyang celphone.

Yes Dave?

May kailangan ka ba? May trabaho pa kasi ako.

Sagot na lamang niya dito.

Oh,

Im sorry, Rebecca sa pang iistorbo ko ha. Gusto lang sana kitang imbetahang mag dinner mamaya if ok lang sayo.

Sagot naman ng binata.

Napaisip ang dalaga. Marami na rin siyang utang kay Dave dahil sa lagi silang may overtime ni Enrique, ay di na niya napagbigyan ulit itong makipag dinner kasama siya.

Why not?

Sagot ng utak niya.

Kailangan ko munang mag unwind para para makalimutan ko ang nararamdaman ko kay Enrique.

Nasambit na lamang niya sa sarili.

Yeah sure, why not.

Sagot niya sa binatang naghihintay ng kanyang sagot. Besides, mabait naman ang binata at palakwento. Kaya pumayag na rin siyang makipag dinner ulit kasama ito.

Really?

Di makapaniwalang sagot ng binata sa pagpaunlak niya sa paanyaya nito.

Ofcourse.

Natatawa namang sagot niya dito. Ng makitang lumabas na si Enrique sa mini library at nakatingin sa kanya. Binaliwala na lamang niya ito at inilis ang tingin dito.

So, I'll pick you up at 7:00 pm.

Sambit ni Dave na halatang masaya.

Okay.

Sagot ng dalaga bago pinatay ang kanyang celphone, na masama pa rin ang loob niya kay Enrique.

Kaba-baba lang ni Celine ng telepono ng pumasok si Enrique.

Honey, I better have to go. See you tonight nalang at 8:00 pm. Tatawagan kita mamaya kung saang place.

Sabi ni Celine ng pumasok na ang binata sa opisina ng ama nito.

Oh sige,

Sagot naman ng binata dito.

Kinuha ni Celine ang kanyang bag at humalik muna sa nobyo bago lumabas ng opisina nito.

Nakita ni Rebecca na lumabas na ng opisina si Celine. Nakatingin ito sa kanya ng may ngiti sa labi.

Himala at nakangiti pa ang bruhilda. Baka nasarapan sa tawas at nag bago ang ugali.

Sambit niya sa sarili.

Huminto ito sa harap ng cubicle niya at nagsalita.

Oh, Miss Sarmiento.

Im sorry nga pala ha?

About a while ago.

Saad nito sa kanya.

Aba!

Effective nga ang tawas na pampalinis ng masamang ugali.

Bulong naman ni Rebecca sa sarili.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon